top of page
Search
BULGAR

Isang slot sa Asian Qualifying pipiliting kunin ng Dragonboat

ni Gerard Peter - @Sports | December 4, 2020




Butas ng karayom muna ang susuutin ng koponan ng Canoe team Olympic Qualifying Tournament, ngunit determinado pa rin ang mga ito na makakuha ng nag-iisang slot na ibinibigay para sa darating na Asian Qualifying na nakatakda sa Marso 11-13 sa Pattaya, Thailand.


Inihayag ni Philippine Canoe-Kayak-Dragonboat Federation (PCKDF) head coach Leonora “Len” Escollante na patuloy pa rin ang paghahanda at pagsasanay ng dalawang atletang nila sasabak para sa qualifying tournament na sina 2019 Southeast Asian Games gold at double silver medalist Hermie Macaranas at ka-tandem nitong si Ojay Fuentes para sa 1000-meters canoe doubles.


Puspusan pa rin naman ang ating ginagawang mga pagsasanay at programa sa ating mga athletes, kaso lang hindi lang sila maka-paddle sa ngayon dahil sa mga protocols. Ang mahalaga sumunod sila sa programs na pinapadala natin sa mga athletes natin sa probinsya na nache-check naman sa paggamit ng mga series of tests para malaman kung nagte-training talaga sila,” pahayag ni Escollante, kahapon sa lingguhang TOPS: Usapang Sports na live na mapapanood sa Sports on Air sa Facebook page at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at PAGCOR. “Pero inaasahan na namin na talagang dadaan ka sa butas ng karayom bago ka makapag-qualify dito, lalo na’t 1km long distance talaga,” dagdag ng Tacloban City-native.


Mabigat na makakatapat ng Pilipinas para sa qualifying ay ang powerhouse na China, Iran at Kazakhstan, gayundin ang mga koponan mula sa Tajikistan, Kyrgistan, at Uzbekistan dahil tiyak na malalaki at matatangkad ang mga manlalaro nito na paniguradong malalakas sa long distance events.


Mahirap pa na mag-predict sa ngayon dahil kadarating lang ng invitation and sa nangyaring pandemic all over the world. Maging yung mga makakalaban naman natin naapektuhan rin, kaya hindi natin masabi pa ngayon ang tsansa ng mga athletes natin pero panigurado lalaban ang ,ga iyan,” saad ni Escollante.


Hindi nakalahok ang koponan ng Pilipinas sa nagdaang World 2019 ICF Canoe Sprint World Championshsips noong Agosto 21-25, 2019 sa Szeged, Hungary na mayroon ng 10 nagkwalipika na kinabibilangan ng China, Cuba, Brazil, Germany, Romania, Poland, Russia, Ukraine, Czech Republic at Sao Tome and Principe. Tig-iisang slot na lamang ang inilalaan para sa Asian, Europe at Americas.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page