top of page
Search
BULGAR

Isang paa, kailangang putulin… "Tallest living male dog", may bone cancer

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 8, 2023



Nakakaantig ang kuwentong ating ibabahagi ngayon, dahil siya lang naman ang asong nakasungkit ng titulong “Tallest living male dog” sa Guinness World Record na may taas ng 1.046 metro (3 ft 5.18 in).


Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ang Great Dane na si Zeus, 3-taong gulang, na pagmamay-ari ni Brittany Davis na kasalukuyang nakatira sa Texas, USA.


Si Zeus ay na-diagnose na may bone cancer, at kinakailangan umanong putulin ang kanyang kanang paa. At siya ay isasailalim sa radiotherapy at chemotherapy.


Ayon kay Britanny, “kamakailan, nalaman namin na ang isang miyembro ng aming pamilya na si Zeus ay na-diagnose na may cancer. Siya ay naging tapat at naghahatid ng ‘di matatawarang kagalakan at kaaliwan sa amin”.


Noon pa umano gusto ni Brittany ang isang Great Dane at laking tuwa niya nang siya’y sorpresahin ng kanyang kapatid na si Garrett ng isang 8 weeks old na tuta. Si Zeus ang pinakamalaking tuta noon, at patuloy na lumaki.


Pagbabahagi pa ni Britanny sa isang video clip na kung saan katabi niya si Zeus sa sofa, napakatigas diumano ng ulo nito, at may pagkapilyo din minsan. Madalas din sabihin sa kanya ng mga tao na mas mukha na umanong kabayo si Zeus, ang iba naman ay nagbibiro pa na kung maaari raw ba nila itong sakyan. Pero, as a per furmom ‘di ito nakakatuwang pakinggan.


Sila ay patuloy na humihingi ng tulong upang sa pinakamahusay na beterinaryo maipagamot si Zeus.


Gagawin umano nila ang kanilang makakaya para mabigyan si Zeus ng pagkakataong lumaban, at maibigay ang medikal na atensyon na kinakailangan nito upang mapabuti ang kanyang sitwasyon.


Dahil umano rito, anumang kontribusyon, gaano man kalaki o kaliit, ay malaking bagay na raw para sa kapakanan ni Zeus.


Titiyakin umano ni Britanny na lahat ng donasyong kanilang matatanggap ay mapupunta sa gastusing pangmedikal ni Zeus.


Kahit sinong dog lover ay malulungkot sa kuwentong ibinahagi ni Britanny, akalain mo ‘yun?


Tatlong taong gulang palang si Zeus, ngunit nakakaranas na siya ng mga ganitong sakit, ang masaklap pa, kailangan nang putulin ang kanyang kanang paa.


Heartbreaking talaga ang ganitong kuwento, lalo na kung napamahal na talaga tayo sa ating mga alagang aso, at itinuring na natin sila bilang miyembro ng ating pamilya.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page