top of page
Search
BULGAR

Isang eksperto sinuportahan ang regulasyon ng vaping

ni Chit Luna @News | June 12, 2024



File photo Andrew da Rosa

Isang pangunahing addiction specialist sa Singapore ang nanawagan para sa regulasyon ng mga produktong vape sa halip na ipagbawal upang magbigayan ng less-harmful na alternatibo ang mga naninigarilyong nasa hustong gulang habang pinipigilan ang mga kabataan sa paggamit nito.


Sa isang panayam kamakailan sa CNA938, ang nangungunang istasyon ng balita sa Singapore, siniabi ni Andrew da Roza, isang board member ng Singapore Anti-Narcotics Association, na ang regulasyon ang susi para masugpo ang black market ng vape sa bansa.


Aniya, ang karamihan sa mga vaper ay dating naninigarilyo at nasa hustong gulang. Kung magkakaroon ng regulasyon, ang mga nasa tamang edad ay maaaring bumili ng vape mula sa mga lehitimong tindahan, at dahil dito, ang black market ay mawawala.


Ang ebidensya nito ay makikita sa mga bansang nag-regulate ng vape sa ngayon. Aniya, kung ikukumpara ang mga bansang nag-regulate at hindi, maliwanag na nabawasan ang black market sa mga nagpataw ng regulasyon sa mga produktong ito.


Binanggit ni Da Roza ang siyentipikong literatura na nagpapakita na ang vaping ay mas ligtas kaysa sa paninigarilyo. Tinutulan din niya ang paniwala na ang vaping ay mas nakakapinsala.


Sa katunayan, ang mga sigarilyo ay may maraming mga lason na nananatili sa baga pagkatapos malanghap, habang ang vapor ay hindi, sabi niya.


Ayon kay da Roza, ang mga kemikal sa sigarilyo ay naglalaman ng mga lubhang mapanganib na kemikal. Ang vaping ay walang parehong katangian tulad ng paninigarilyo, dagdag niya.

Binanggit din ni Da Roza ang ibang pag-aaral na nagpakita na ang pagtigil sa vaping ay mas madali kaysa sa pagtigil sa paninigarilyo.


Sinabi ni Da Roza na ang vaping ay maaaring makatulong para bawasan ang produksyon ng usok.


May mga bansa tulad ng Great Britain na naghihikayat pa nga sa mga naninigarilyo na lumipat sa vaping para ihinto ang pagkakalantad sa mapanganib na usok, sabi niya.


Dahil dito, iminungkahi ni Da Roza na i-regulate ang mga vape na katulad ng alak at sigarilyo para maiwasan ang paggamit ng mga bata.


Ang vaping ay hindi katulad ng paghithit ng mga dahon ng tabako o sigarilyo at hindi parehas ang dulot na pinasala, ayon kay da Roza.


Sa Pilipinas, inanunsyo ng Department of Trade and Industry na simula Hunyo 5, 2024, ang sertipikasyon ng mga imported at local na produktong vape ay magiging mandatory para matiyak ang kanilang kaligtasan at kalidad.


Walang mga produktong vape ang dapat pumasok sa bansa, lalo na kung wala itong mga marka/lisensya ng product standards o marka ng ICC, sabi ni DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Amanda Nograles.


Inanunsyo naman ng Bureau of Internal Revenue na simula Hunyo 1, 2024, ang Revenue Memorandum Circular 59-2024 ng BIR ay nagpatong ng bagong tax stamps sa lahat ng vape products na ibinebenta sa Pilipinas para mapigilan ang paglaganap ng mga unregulated vapes sa merkado.


Sinabi ni Da Roza kailangan din ng Singapore ng regulasyon para malaman ng mga tao ang sangkap ng mga ito at siguraduhing ligtas ang likidong ginagamit sa vape.


Dapat aniyang gawing legal at i-regulate ang vape, katulad ng sigarilyo, na may mahigpit na limitasyon sa edad.


Sinabi ni Da Roza habang sapat na ang kasalukuyang mga parusa, kailangang pagbutihin ang pagpapatupad nito. Sa ngayon, wala aniyang talagang napaparusahan dahil sa vaping sa Singapore.


Hindi din dapat na ituring na kriminal ang mga taong gumagamit nito bilang mas ligtas ng alternatibo sa siigariylo, dagdag niya.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page