top of page
Search
BULGAR

Isang date pa lang 'yan… KYLINE, BINALAAN NG NETIZENS KAY KOBE DAHIL PLAYBOY DAW

ni Nitz Miralles @Bida | May 22, 2024



Photo
File photo: Kyline Alcantara at Kobe Paras - IG

In fairness kay Kyline Alcantara, ilang araw nang nasa news at ang latest ay ang date nila ni Kobe Paras. 


Pero may mas latest pa ru’n at ito ay ang pag-a-unfollow niya sa Instagram (IG) kina Mavy Legaspi at sa parents nito na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.


Ang buong akala ng marami, in-unfollow na ni Kyline si Mavy at ang parents nito after their breakup, pero hindi pa pala. Si Cassy Legaspi, hindi naman yata pina-follow ni Kyline ever since, kaya hindi niya need i-unfollow.


Sa kanyang IG, tinanong si Kyline kung bakit niya in-unfollow si Mavy na hindi raw niya dapat ginawa. Ang rason pala ng tanong, ibig daw bang sabihin, wala nang balikan sina Kyline at Mavy?


May mga nagpahayag naman na pabor sila kay Kobe para kay Kyline, bagay daw sila at ang request pa nga, sana, sa susunod na date nila, may face reveal na. 


Pero may nagpaalala naman kay Kyline na magdahan-dahan lang at chickboy daw si Kobe.


Isang date pa lang ‘yun, ang dami nang nakikialam at pala-desisyon. May mga judgmental din at kung anu-ano pa ang comment. 


Sa mga comments na ganito, hindi nawawala ang pagiging relevant ni Kyline, okay daw ito for her career.


Anyway, sa mga nakaka-miss na mapanood na kontrabida si Kyline, malapit na siyang kamuhian uli ng mga viewers dahil kontrabida ang role niya sa Shining Inheritance. Sila ni Kate Valdez ang main cast ng afternoon series ng GMA-7.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page