ni Zel Fernandez | May 8, 2022
Kasalukuyang ipinaaayos ang umano’y nasa kabuuang 33 vote counting machines (VCMs) sa regional technical hub sa Cagayan de Oro, matapos makitaan ng depekto.
Batay sa pahayag ng opisyal, sa tinukoy na 33 depektibong VCMs, anim (6) sa mga ito ay mula sa Agusan del Norte; 14 sa Agusan del Sur; dalawa (2) sa province of Dinagat Islands at tig-apat (4) sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Gayunman, sa 33 may depekto, 16 na lang umano ang hindi pa naiayos at naibalik, kung saan ang pito (7) rito ay sa Agusan del Sur at apat (4) naman sa Surigao del Sur.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ng opisyal na ilang mga lugar sa Caraga Region ang hindi pa nakapagsagawa ng final testing at sealing ng vote counting machines dahil pawang mga depektibo ang ilan sa mga ito.
Ani Comelec Asst. Regional Director Atty. Geraldine Samson, sakali umanong maantala ang paghahatid ng mga naiayos na VCMs ngayong araw, maaari naman aniya itong maihabol bukas para sa final testing at sealing bago magsimula ang aktuwal na botohan.
Sa kabila nito, tiwala si Atty. Samson na sa mga nailatag na contingency measures ay hindi magkakaroon ng aberya ang gaganaping eleksiyon bukas.
Comments