top of page
Search
BULGAR

Isabela, Aurora, Bicol, Quezon, tatamaan ng Bagyong Pepito

ni Thea Janica Teh | October 19, 2020




Tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area na namataan noong Linggo nang hapon at pinangalanan bilang Pepito. Itinaas na ngayong Lunes sa signal no. 1 ang ilang bayan sa Isabela at Aurora.


Ayon sa PAGASA, namataan ang bagyong Pepito sa 475 kilometrong silangang bahagi ng Virac, Catanduanes kaninang alas-10 ng umaga at may maximum wind na 45 kph.


Dagdag pa ng PAGASA, maaari umano itong maging tropical storm bago pa ito mag-landfall sa eastern coast ng Northern Luzon-Central Luzon area sa pagitan ng Martes nang gabi hanggang Miyerkules nang umaga.


Magdadala rin ng pag-ulan ang bagyong Pepito ngayong Lunes sa ilang lugar tulad ng Quezon, Bicol region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Caraga, Davao Oriental, Davao Occidental, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page