ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 14, 2025
Photo: Ivana Alawi at Ashley Ortega sa Bahay ni Kuya - PBB
Dahil sa sobrang pagiging open at pagpapakatotoo ni Ashley Ortega, marami ang nagsasabing baka siya ang unang housemate na mae-evict sa Bahay ni Kuya.
Marami ang nalungkot nang aminin-ikumpisal ni Ashley kay Big Brother na three years na niyang hindi kinakausap ang kanyang mom. Nagkaroon sila ng misunderstanding at mas pinili ni Ashley na mamuhay mag-isa at maging independent.
Nang mapasama nga si Ashley sa mga napiling PBB housemates, umiral ang pagiging taklesa niya. Pinagdudahan niya ang gender ng isa sa mga guy housemates. Pero nag-sorry naman siya agad.
Samantala, may pakiusap si Ivana Alawi na huwag si Ashley ang ibigay sa kanya na maging ka-collab. Guest celebrity lang kasi siya at baka hindi magtagal, kaya madadamay pa si Ashley.
May kani-kanyang partner-kakampi ang mga PBB housemates, at haharapin nila ang mga tasks at challenges na ibibigay sa kanila ni Kuya.
Marami namang housemates ang naiyak nang emosyonal na nagbahagi si Michael Sager ng kanyang mga karanasan sa pagpasok niya sa showbiz. Nasa Canada ang kanyang pamilya, at nag-iisa siyang namumuhay sa ‘Pinas.
Samantala, nang makita naman si Carmina Villarroel sa harapan ng PBB house, may ilang nagsasabing nakiusap daw ang aktres kay Kuya na palabasin na ang anak niyang si Mavy o pati siya ay papasok na rin sa Bahay ni Kuya.
Well, sey naman ng mga netizens, mas exciting kung pati si Carmina ay makakasama sa PBB house. At masaya rin si Ashley kung ‘di muna palalabasin sa PBB house ang nobyo niyang si Mavy Legaspi.
Ibang-iba na ang aura ng comedienne na si Kiray Celis magmula nang maging successful siya sa kanyang pagla-live selling online.
Maging ang King of Talk na si Boy Abunda ay nagulat sa malaking transformation ni Kiray nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Full of confidence at CEO na ang porma ni Kiray. May sarili na siyang beauty products at malaki na ang kinikita nito.
Noong una raw ay sinubukan muna ni Kiray ang pagtitinda ng kung anu-ano online, at ito muna ang kanyang pinagkakakitaan.
Pero sa payo ng BF niya, nag-invest si Kiray sa beauty products at nagtayo ng sariling kumpanya. Naging matagumpay naman ito at kumita siya ng P8 million sa loob lang ng apat na buwan.
Ngayon ay unti-unti nang napag-aaralan ni Kiray Celis ang pamamahala ng negosyo. Hindi na mauulit ang una niyang pagsabak noon sa negosyo kung saan nalugi siya at nawalan ng malaking halaga.
Thankful si Kiray sa suporta at guidance ng kanyang BF. Ilang beses na raw siyang niyayang magpakasal ng nobyo, pero hindi pa siya handa ngayon, lalo na’t marami pa siyang mahal sa buhay na umaasa sa kanya. Nagpapaaral pa siya ng mga pamangkin.
Ipinagpapasalamat na lang ni Kiray Celis na nabigyan niya ng bahay, negosyo, at sasakyan ang kanyang ina. Sobrang blessings na ito para sa kanya.
NAGTATANONG ang mga fans ni Jillian Ward kung tuluyan na bang mabubuwag ang love team nila ng Sparkle actor na si Michael Sager ngayong housemate na ito sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Kung kailan naman may chemistry na sila ni Jillian at bagay na love team ay saka e-exit na si Michael Sager sa seryeng My Ilonggo Girl (MIG).
Baka naman tinapos na muna lahat ni Michael ang kanyang mga eksena sa MIG upang hindi maapektuhan ang istorya nito?
Ganunpaman, maganda naman ang exposure na makukuha ni Michael sa PBB Celebrity Collab Edition. Magmamarka siya sa milyun-milyong viewers kapag maganda ang kanyang naging performance.
Wala namang dapat ipag-alala ang mga viewers ng MIG dahil hindi sa love team nina Jillian at Michael umiikot ang istorya.
Kakayanin ni Jillian kahit walang ipareha sa kanya bilang love interest. Puwede ring magpasok sa istorya ng kahit sinong Kapuso actor.
Comments