ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 4, 2024
Photo: Larawan ni dating Pagsanjan Mayor Girlie Maita Javier-Ejercito - FB
Pumanaw na ang dating mayor ng Pagsanjan, Laguna na si Girlie Javier Ejercito na kilala rin bilang Maita Sanchez sa showbiz at misis ni former Laguna Governor ER Ejercito.
Si ER mismo ang nag-announce sa pagkamatay ni Maita sa kanyang Facebook (FB) page.
Mensahe ni ER (as is), “My lovely and beautiful wife, our dearly beloved Mayora Girlie “Maita” Javier-Ejercito (April 2, 1969 - November 3, 2024) of pagsanjan, laguna just passed away today november 3, 2024 at 12:01 AM due to endometrial cancer at the Saint Luke’s Medical Center SLMC QC - she was 55 and we have 6 children: Eric, Jet, Jerico, Jhulia, Diego And Gabriela.
“Heartfelt thanks for all your love and prayers (praying emoji).
“Wake and daily 7 PM holy mass will start tonight november 3 to 9 at our home, the Don Porong Ejercito 1912 ancestral mansion in Pagsanjan, Laguna (cross emoji).
“Mayora Maita was an outstanding multi-awarded local chief executive (2010 - 2019) who brought life, joy and integrity into the significant programs and projects of Pagsanjan, which is now recognized as the tourist capital of Laguna (medal and trophy emoji), una sa lahat.
“Mayora Maita was overwhelmingly elected and served as Mayor (2010 - 2019) and Vice Mayor (2019 - 2022) of Pagsanjan, Laguna and was also elected as LMP president of the League of Municipalities if the Philippines (Laguna chapter) (2010 - 2016).
“Mayora Maita a.k.a. “Maita sanchez” was also one of the favorite actress/leading lady of the king of philippine movies, our ninong, Fernando Poe, Jr. (kahit konting Pagtingin part 2 (1995), Hagedorn (1996), Pagbabalik Ng Probinsyano (1998), Ang Dalubhasa (2000) and
Batas Ng Lansangan (2002). Her last movie was Shake, Rattle and Roll Extreme (2023).
“Our family is requesting prayers and mass offerings for the repose of her soul (praying and flower emoji).
“Eternal rest grant unto her, Lord, and let perpetual light shine upon her. May her soul and the souls of all the faithful departed through the mercy of God. Rest in peace, Amen.”
Nagpaabot ng kanilang mensahe sa comment section ng FB post ni ER ang mga celebrity friends nila gaya nina Bacoor City Representative Lani Mercado, Liz Alindogan, Direk Manny Valera, Direk Louie Ignacio, atbp..
Our condolences from BULGAR.
Number, ipinost sa socmed…
DARREN, BINIBIKTIMA NG POSER-SCAMMER, NAGPASAKLOLO SA FANS
NANAWAGAN ang singer na si Darren Espanto sa kanyang mga followers sa X (dating Twitter) na tulungan siya sa isang poser na nagke-claim na handler siya ng It’s Showtime (IS) host.
Ang ikinairita pa ni Darren ay ang pangungulit sa kanya ng poser by calling him on the phone.
Post ni Darren, “Hi, guys. Kung trip n’yo mang-trip ngayong gabi, please spam call or spam text naman po itong number na ‘to, posing as our Star Magic handlers and keeps calling my phone. Beware of posers. Thank you!”
Sa dulo ng panawagan ni Darren ay inilagay niya ang cell number ng poser na nangungulit sa kanya.
Sinuportahan naman si Darren ng kanyang mga followers.
“Done, Darren!”
“Online s’ya sa Viber. Hahaha!”
“Hahaha! Nag-iba s’ya ng name.”
“Nagpalit na s’ya ng photo. Pero Joy ang nakalagay na name n’ya.”
“Ayaw naman sumagot, tine-text ko, ayaw ding sumagot. Minura ko lang naman nang malutong.”
Ang ilan naman ay nagtataka kung bakit nakakalusot pa ang ganitong gawain gayung may SIM registration na raw.
Comment ng mga netizens…
“Akala ko ba, kaya may SIM registration, eh, para mas maging safe na ngayon. By the looks of it, madami pa rin talagang malalakas ang loob para mang-scam and etc. Please have the number check with NTC kung kanino naka-register ‘yang number na ‘yan at nang mapahuli rin.”
“Walang aksiyon. Marami nang nagreklamo about sa ganyan pero until now, ni isa, wala pang nahuli.”
“So sad to hear this, posers are everywhere! Mga walang magawa sa buhay kaya nanggugulo na lang, hay! Beware always.”
Tamah.
Comments