top of page
Search
BULGAR

Isa pa naitala... 3 Omicron variant cases na sa ‘Pinas — DOH

ni Lolet Abania | December 20, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang Omicron variant case ng COVID-19 sa bansa, kung kaya may tatlo na sa kabuuan ang kaso ng naturang virus sa ngayon.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang latest case ay isang 36-anyos na returning overseas Filipino (ROF) na dumating sa Pilipinas mula sa Qatar noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924.


“He arrived at Mactan Cebu International Airport from Qatar on November 28 via Qatar Airways… and was noted to have had travel history to Egypt,” ani Vergeire sa isang media briefing ngayong Lunes.


Aniya, hindi ito nabakunahan kontra-COVID-19.


Sa mensahe ni Vergeire sa mga reporters, sinabi nitong ang ROF ay na-quarantine sa Cebu nang ito ay dumating habang nagpositibo sa test noong Disyembre 5. Agad namang nai-transfer ang pasyente sa isang isolation facility.


Gayundin, ang ROF ay nanatili sa isolation hanggang Disyembre 16 at umuwi sa kanilang tirahan sa Cavite noong Disyembre 17, kung saan sumailalim na rin sa home quarantine.


“The case completed his isolation in Cebu before traveling back to Cavite, his home town, where he immediately self-quarantined at home upon arrival,” sabi ni Vergeire.


Sinabi naman ni Vergeire na ang whole genome sequencing result ng pasyente ay lumabas noong Disyembre 18.


Agad ding pinuntahan ang ROF upang isailalim sa re-swabbing at nagnegatibo ito sa test noong Disyembre 19.


“The DOH is already determining the possible close contacts among co-passengers during the flights of this case,” saad ng kalihim.


“The DOH [is] also verifying the test results and health status of all passengers of this flight if there are other confirmed cases or passengers who became symptomatic after arrival,” dagdag ni Vergeire.


Sa ngayon, ayon pa kay Vergeire, natukoy na ng DOH ang tatlong naging close contacts ng pasyente.


“Kung saan na-monitor natin, home quarantine sila. We already re-tested them and all of them had results of negative,” wika pa ni Vergeire.


Magugunitang noong nakaraang linggo na-detect ang kauna-unahang dalawang kaso ng Omicron variant.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page