top of page
Search

Isa na lang sa Heat, dapa ang Knicks, Lakers, 3-1 na

BULGAR

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 10, 2023



Mga laro ngayong Miyerkules


7:30 a.m. Philadelphia sa Boston

10:00 a.m. Phoenix sa Denver


Patuloy ang nakamamanghang nilalaro ng Miami Heat at isang panalo na lang ang kanilang kailangan matapos padapain ang bisitang New York Knicks, 109-101, sa Game 4 ng NBA Playoffs Eastern Conference semis kahapon sa Kaseya Center. Sa West ay bumida ang hindi inaasahang manlalaro para ipanalo ang Los Angeles Lakers sa World Champion Golden State Warriors, 104-101, at lumayo din ng 3-1 sa seryeng best-of-seven.


Dalawang beses lang nakalamang ng Knicks at ang huli ay 30-29 sa buslo ni Julius Randle bago nabawi ito ng shoot ni Kyle Lowry kasabay ng busina ng first quarter, 31-30. Kahit pumalag ang New York ay nagawang ibalik ang agwat sa 11 sa fourth quarter, 95-84, salamat kay Jimmy Butler na nagtapos na may pito ng kanyang 27 puntos sa nasabing quarter at may kasamang 10 assist at maaaring wakasan na ang serye sa Huwebes.


Walang puntos sa unang tatlong quarter, pumutok para sa 15 sa fourth quarter ang reserbang si Lonnie Walker IV at mag-isang binura ang 84-77 lamang ng Golden State na tinuldukan ng pandiin na dalawang free throw na may 15 segundong nalalabi, 104-101.


Namuno pa rin sa Lakers sina LeBron James na may 27 puntos at Anthony Davis na may 23 at 15 rebound habang nagtala ng triple double si Stephen Curry na 31 puntos, 10 rebound at 14 assist sa talo at ngayon ay kailangan na walisin ng Warriors ang nalalabing tatlong laro.


Samantala, ipinakilala ang 2023 KIA NBA All-Rookie First Team sa pangunguna ni Rookie of the Year Paolo Banchero ng Orlando Magic.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page