top of page
Search
BULGAR

Isa lang sa mga artistang nabiktima... KRIS, DINAGSA NG 23 GRAB DRIVERS PARA SA ORDER NA PAGKAIN,

FAKE LANG PALA.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 05, 2021



Grabe naman ang nangyari kay Kris Bernal na nabiktima ng fake food delivery.


Imagine, sa isang araw, 23 Grab riders ang dumating sa bahay niya para mag-deliver ng pagkaing hindi naman niya in-order.


Sa video na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account, makikitang nag-abut-abot pa ang mga Grab riders sa bahay niya.


Walang tigil talaga ang dating ng delivery sa kanila at panay naman ang explain nila na wala silang ino-order.


“FAKE GRAB BOOKING. As of 8:02 PM, a total of 23 GRAB FOOD DELIVERIES all from the same name, JEN JEN MANALO - 0951-0652215.


“Sadly, the amount of the deliveries are of no jokes. Please help me report to @grabfoodph @grab_ph. Kawawa po ang mga riders, umuulan pa. Please help!” post ni Kris.


Ang nakakaloka, kapag tinatawagan ng Grab rider ang um-order ng food na nagngangalang Jen Jen Manalo ay sumasagot naman ito at ipinagpipilitan niyang ipina-order sa kanya ni Kris ang pagkain. At consistent siya talaga sa dialogue niyang: “Hindi ko po kasalanan ‘yan, kasalanan ni Kris Bernal ‘yan.”


Paulit-ulit niya itong sinasabi which made us think na baka naman galit ang babaeng ito sa aktres. Ito rin ang hinala ng ibang netizens.


Pero ani Kris ay wala naman siyang alam na taong may galit sa kanya.


“I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment,” pahayag ni Kris sa IG.


Pero mas ikinalulungkot daw niya na mayroon pang ibang taong mas higit na apektado at ito ay ang mga Grab riders na nabiktima ng mga fake orders.


“What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries. I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience,” sey ni Kris.


Sa huli ay humingi ng tulong si Kris sa mga followers na i-report sa Grab Food at i-share ang insidenteng ito para ma-warning-an din ang iba.


“Please help me report to @grab_ph @grabfoodph. I am hoping to raise awareness. Please share.


“I'm sure this is not her real name. But this is the name and number that were recorded with all the deliveries today,” ani Kris.


Ilang oras matapos niya itong i-post ay nagbigay ng update ang aktres sa kanyang IG Story. Nag-reach-out na raw sa kanya ang Grab Food at mukhang marami na raw nabiktima na artista ang babaeng gumagawa nito at nagtutulungan na sila para malutas ito’t mahuli ang scammer.


Paalala ni Kris sa mga kapwa artista na huwag basta-basta mag-provide ng tunay na address, pangalan at contact number.


“I really feel bad to all the riders. And to my mom who’s already a senior and did everything she can to help me,” sey ni Kris.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page