top of page
Search
BULGAR

Isa lang ang kasama… PAMILYA, OUT SA BAKASYON NI ALDEN SA TATE SA PASKO

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 20, 2021





Finally, after two years ay makakalabas na rin ng bansa si Alden Richards na sobrang na-miss niya. Sa US siya mag-i-spend ng Christmas, New Year and birthday na rin niya sa Jan. 2 kaya matagal-tagal ding bakasyon ito.


‘Yun nga lang, hindi niya makakasama ang buong family niya dahil ang may US visa lang ngayon sa pamilya ay siya at ang pinsan niya since medyo nag-lie-low din ang US embassy sa pag-i-issue ng visa.


Excited na si Alden sa kanyang first international flight after 2 years, pero ang isa pa niyang ikinae-excite ngayon ay ang pagbabalik sa ere ng The World Between Us ngayong Nov. 22.


Dalawang buwan ding nagkaroon ng season break ang serye at sa pagbabalik nito ay makikita na ang matinding pagbabago rin sa karakter ni Alden na sey nga niya ay sobrang pinaghandaan niya.


“Kung ano ‘yung ipinakita ko noong bago pa lang kami mag-air sa presscon natin, na karakter ko na si Louie na pushover, laging inaapi, kinawawa, ito na ang payback time,” sey ni Alden.


Dagdag pa ng Asia’s Multimedia Star, “I’m still gonna stick to what I’ve said before na this is one of my best projects for 2021.”


Aminado rin ang aktor na may pressure rin on his part dahil nga para maging convincing, talagang binago rin niya ang kanyang lifestyle.


“Hindi lang po sa diet or exercise, lifestyle po ang binago ko kasi paglabas po namin after the third locked-in, bago po kami mag-final locked-in, talagang binago ko po lahat,” aniya.


Sa lahat nga raw ng teleserye niya, ito ‘yung masasabi niyang nagkaroon siya ng matinding preparasyon.


“Even sa kahit mga days na dapat pahinga, I still work on it kasi it will show po, eh. True enough po, napapalabas po ‘yung mga teasers ngayon, nakikita po ‘yung difference between the character,” sey ng aktor.



0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page