Isa, ‘di naman daw guwapong aktor… IVANA, GINAWANG SUGAR MOMMY NG 2 EX-BF
- BULGAR
- 9 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 12, 2025
Photo: Ivana Alawi - Instagram
Bongga ang pasabog ni Ivana Alawi nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Inamin ng sexy actress na naging sugar mommy siya ng dalawang guys na naugnay sa kanya.
Ang isa ay non-showbiz na may ugaling ‘bilmoko!’ (ibili mo ‘ko). Madalas ay binibigyan pa niya ito ng allowance at siya ang gumagastos kapag sila ay nagde-date.
Ang isa naman, aktor na hindi gaanong kaguwapuhan, at panay din ang parinig ng mga gustong bilhin.
Pagdating sa pag-ibig ay todo-bigay si Ivana. Baklang-bakla siya na binubusog sa regalo ang lalaking minahal niya. Pero, kapag nahalata naman niyang pineperahan lang siya at niloloko ng guy ay tinatapos niya ang kanilang ugnayan.
Katwiran ni Ivana ay bata pa naman siya at maganda, kaya hindi bagay na maging sugar mommy. At hindi rin siya tanga sa larangan ng pag-ibig. May limitasyon ang kanyang pagiging generous.
Marami naman ang curious malaman kung sino ang showbiz guy na namera lang kay Ivana Alawi. It’s good na maaga siyang ‘nauntog’ at lumayo sa user na lalaki.
BAGO pala ginanap ang kasal ni Claudia Barretto kay Basti Lorenzo ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan kung itutuloy pa ito. Naramdaman kasi ni Claudia na medyo nonchalant at hindi gaanong interesado si Basti sa kanilang kasal, base na rin sa kuwento ni Dennis Padilla sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube (YT) Channel ng huli.
Ten years nang magkarelasyon sina Claudia at Basti bago nagdesisyong magpakasal.
Ayon sa sinabi ni Dennis, tumawag sa kanya si Claudia ilang oras bago ang kasal, at sinabing hindi na ito tuloy.
At ang tanging nasabi raw ni Dennis kay Claudia ay huwag nang ituloy ang kasal kung meron itong agam-agam at nagdadalawang-isip.
Ganunpaman, natuloy pa rin ang kasal dahil binawi ni Claudia ang sinabi sa kanyang ama.
Pero, nagkaroon nga ng isyu at kontrobersiya ang masaya sanang kasal ni Claudia. Nahati naman ang reaksiyon ng publiko sa naganap na gulo sa pagitan ni Dennis at kanyang mga anak kay Marjorie Barrettto.
SO, tapos na rin pala ang role ni Rainier Castillo sa singer na si Jojo Mendrez na naging bahagi sa pagpo-promote ng carrier single nitong Nandito Lang Ako.
At tulad ng nangyari kay Mark Herras, may mga reklamo rin si Jojo kay Rainier. Marami rin daw itong hinihinging pabor sa kanya kaya ayaw na niyang makipag-deal ulit sa aktor.
Kaya naman sa pagpo-promote ni Jojo ng isa pang revival song niyang I Love You, Boy ay magkakaroon ng search para sa male singer na makaka-collab ni Jojo Mendrez. Ang mapipili ay tatanggap ng P1 million cash prize.
Well, tiyak na daragsa ang sasalang sa search na ito para sa kantang I Love You, Boy. Hindi lang kasi ang cash na P1M ang makukuha ng winner, magkakaroon din ng write-ups at exposure, at magiging daan din upang magkaroon ng singing career.
MARAMI ang nagsasabing kapag sikat ang isang komedyante, tiyak na chickboy at maraming karelasyon. Tulad na lang ni Dolphy (SLN) na karamihan sa kanyang naging GF ay magaganda tulad nina Pilar Pilapil, Lotis Key, Alma Moreno at Zsa Zsa Padilla.
Kahit hindi guwapo ang isang comedian, basta naaaliw at napapatawa niya ang babae, tiyak na magiging karelasyon niya ito. ‘Yun ang secret charm ng Comedy King na si Dolphy, kaya malapit sa kanya ang mga babae.
Pero, sa hanay ngayon ng mga sikat na komedyante, naiiba ang comedy genius na si Michael V.. Mahigit na 4 na dekada na rin siya sa showbiz. Family-oriented siya at sa kanyang pagiging padre de familia nakasentro ang kanyang buhay.
May pangarap siya para sa kanyang pamilya kaya nakakaiwas siya sa tukso ng mga babae.
Mabait, responsable, at hardworking si Michael V.. Suportado siya ng kanyang betterhalf na si Carol Bunagan, na tumatayo ring manager niya.
Maganda ang kanilang partnership at tandem, kaya patuloy na nai-inspire si Bitoy sa kanyang trabaho.
Well, patok sa mga viewers ang gag show na Bubble Gang (BG) na thirty years na sa ere. Klik din sa lahat ang sitcom na Pepito Manaloto (PM): Ang Tunay na Kwento na 15 years nang napapanood sa GMA-7. Si Michael V. ang creative director ng PM.
Comments