ni Thea Janica Teh | October 25, 2020
Pinaghahanda ng PAGASA sa biglaang pagbaha ngayong Linggo ang mga residente ng mga mababang lugar sa Bulacan sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng Ipo Dam dahil sa bagyong Quinta.
Sa inilabas na advisory ng PAGASA kaninang alas-8 ng gabi, nagsabi umano ang Ipo Dam Management na magpapakawala ito ng mahigit 47 cm ng tubig mamayang alas-12 ng madaling araw.
Ito ang ilan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig: Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy.
Samantala, patuloy pa rin ang pagmo-monitor ng PAGASA sa Ipo Dam.
Sa ngayon ay nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang Bulacan.
Comments