top of page
Search
  • BULGAR

Ipinalit kay Carlos bilang endorser... EJ, BEST ROLE MODEL DAW

ni Ambet Nabus @Let's See | Sep. 22, 2024



Showbiz News

May mga kumakalat na tsismis na nanindigan umano ang kumpanya ng Milo na hindi na raw i-renew ang kontrata ni Carlos Yulo bilang isa sa mga endorsers nito.


Modelo ng naturang energy drink brand ang Olympics medalist for quite a time pero kung kailan naman naging gold medalist ito ay saka pa raw pinalitan bilang main endorser.


Ayon sa mga naglabasang tsika sa socmed (social media), lubos daw ang kalungkutan ng naturang brand dahil sa naging gusot ni Caloy sa kanyang pamilya.


Hindi umano magandang ehemplo ang naturang ‘bangayan’ ng magkakapamilya, kaya’t minabuti nilang hindi na ito i-renew at kumuha ng mas higit na nararapat para sa brand.


At si EJ Obiena nga ang kinuha nilang bagong endorser dahil sa napakapositibo nitong imahe, magandang relasyon sa pamilya at higit ang pagiging larawan nito bilang isang manlalaro na kahit walang gintong medalya ay nagtataglay ng mga magagandang katangian. 


“He is indeed the best role model,” sey daw ng mga supporters ng energy drink brand kay EJ.


Pinaglalaruan nga sa socmed ang naging pahayag ng isang netizen na nagsabing, “Ang mga nanay ang bumibili ng Milo, hindi ang GF (girlfriend).”


Wala pa namang opisyal na inilalabas o ipinapahayag ang nasabing brand kung totoo bang hindi na ini-renew si Carlos Yulo o parte pa rin ba siya ng Milo family.

Aabangan natin ‘yan!


 

SAGLIT naming nakahuntahan ang FranSeth na sina Francine Diaz at Seth Fedelin kahapon.


Ang movie nilang My Future You (MFY) ang isa sa tatlong mga movies ng Regal Films na inaprubahan ng yumaong Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde bago pa man nagkaroon ng karamdaman hanggang sa yumao nga ito.


“Siyempre, malungkot po na masaya. Sad dahil hindi na ito mapapanood ni Mother, pero proud po kami na nagustuhan n’ya ang concept ng story at nu’ng ma-meet nga namin po si Ms. Roselle at sinabing approved kay Mother ‘yung tandem namin at gagawin na namin ang movie, masayang-masaya po kami,” kuwento nina Francine at Seth.


Year 2020 pa raw naisulat ang story at ginawan ng mga bagong twists and developments.


Pagtatagpuin ang mga years 2009 at 2024 sa kuwento, kung saan iikot ang romance ng dalawa. Si Direk Crisanto Aquino ang magdidirehe nito.


Ang 2 pang movies na inilunsad ng bagong ‘mukha’ ng Regal (na patatakbuhin na ng abogadong anak ni Ms. Roselle) ay ang sexy drama na Guilty Pleasure (GP) starred in by Lovi Poe at Jameson Blake under Direk Connie Macatuno and the horror movie Untold na pagbibidahan ni Jodi Sta. Maria at directed by Derick Cabrido of Mallari fame.

Kaabang-abang talaga!


 

‘Di raw nagkukulang sa sustento sa 2 anak ni Kylie… 

ALJUR AT AJ, MAPERA KAYA TODO-BAKASYON ABROAD


Aljur at AJ

SA mga nagtataka kung bakit daw nakaka-afford sina Aljur Abrenica at AJ Raval na mag-travel abroad, may sagot ang aming nakausap na taong malapit sa kanila.


Pinag-usapan kasi kamakailan sa socmed (social media) ang mga photos ng dalawa habang nasa Canada, partikular na sa Niagara Falls.


Esplika ng aming kausap, “Meron naman silang ipon. May mga pera at negosyo rin sila na pinagkukunan. At saka may mga friends sila abroad (lalo na sa Canada), na generous kung tumulong. Ano’ng isyu du’n?”


Marami kasi ang nagtatanong kay Aljur kung nagsusustento raw ba ito sa kanyang mga anak for him to afford such thing, gayung hindi na nga raw ito ganu’n ka-active sa showbiz?


Buong-giting itong sinagot ng aming source na, “Of course. Consistent ‘yun at meron talagang trust fund para sa mga anak n’ya.”

O, ‘yun naman pala.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page