top of page
Search
  • BULGAR

Ipinalit daw ni Ricci kay Andrea… SIGAW NI KON. LEREN: BASTA MASAYA AKO, WA' 'KO PAKI SA IBA

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 11, 2023




May nagsasabing hindi pa raw break sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ay nagkikita na umano ang basketbolista at ang former beauty queen na si Leren Mae Bautista. Siya ang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2015 at Bb. Pilipinas Globe 2019.


May nabasa kaming komento ng isang netizen.


Aniya, "Last month pa lang 'yung birthday ni Ricci, napansin ko, hindi siya binati ni Blythe, tapos nag-post si Ricci ng outreach program kasama si girl. Du'n pa lang, alam ko na, eh, kasi sobrang showy ni Blythe sa kanya, tapos hindi siya magpo-post?"


Ipinost pa ni Leren Mae ang birthday celebration ng basketball player/actor at nilagyan ng caption: "Happy birthday @riccirivero! Thank you for spending your birthday here in Los Baños. We appreciate your love and generosity to give back to our people. Mabuhay ka!"


At may post din siyang quote na: "As long as you're happy, who cares?"


Hindi nagustuhan ng mga netizens ang sinabi ng konsehalang beauty queen.


"Anyare dito kay Leren? Ang cheap naman nu'ng quote niya."


"Ito 'yung mindset ng mga taong walang pakialam kahit may naaagrabyado."


"Sa mga nagsasabing baka break na bago naging sila nu'ng bago at walang cheating na nangyari, Star Magic Ball is March 31, April sila pa, then May 26, based d'yan sa picture, eh, kasama na 'yung girl. Kung one month ang ligawan stage nila, ibig sabihin, nasa relationship pa 'yung lalaki, may tinitingnan na 'yang ibang prospect," ang analisa naman ng isang netizen.


"Grabeee ATI gurl.. you really stoop down to that level?....May nat*t*nga pa rin talaga rito kay Ricci."


Payo naman ng isang commenter sa young actress, "Well, Andrea can get a better guy naman. Pero pahinga muna niya ang puso niya, she's still young pa naman."


"'Yan nga ang wishful thinking... na Andrea can get a nice guy... pero jusmio, lahat ng nakarelasyon niya, puro red flag. Siya na rin mismo ang nagsabi, walking red flag 'yang si Ricci... the hell with Ricci if indeed he cheated... "


"Kesehodang mang-agaw ka basta magiging masaya ka lang, Leren? Ganu'n ba 'yun? At itong si Ricci naman, simula't sapol, GGSS na."


"Feeling guwapo itong Ricci nga. Halata namang ginagamit lang si Andrea para sumikat, eh. Pinangarap kasi nitong mag-artista kaso hopia, hahahaha!"


"Eh, hindi nga good catch itong guy, eh. User pa nga."


Isang netizen naman ang nagbuking na, "Wala namang ambag 'yan as konsehala dito sa 'min sa Los Baños. Queenshala as she coined herself."


"Ate Girl, you’re literally in your 30s, tapos councilor ka pa and then nakikisali ka pa sa drama ng mga GenZ. 'Kalokah.... cougar!"


"Ay, beauty queen pero ang mantra, 'who cares as long as you're happy?' 'Teh, hindi po applicable sa wrongdoings ang quote na 'yan. Beauty queen ka pa naman, pero promoting mang-agaw at mang-cheat? So, you're ok na gumawa ng mali kasi masaya ka gumawa ng mali? Lol!"


Bukas ang aming kolum para sa pagbibigay ng panig ni Kon. Leren sa mga akusasyong ibinabato sa kanya sa pagkadawit sa hiwalayan issue nina Andrea at Ricci.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page