ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 15, 2023
May katapat (counterpart) na si Yorme Isko Moreno na isa ring mayor. Ito ay si Jose Manalo na binansagang “Pambansang Mayor” na nag-iikot sa iba’t ibang barangay at namimigay ng ayuda.
Ang pagiging mayor ni Jose ay bahagi ng kanyang pagiging host sa proramang E.A.T. ng TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon) sa TV5.
Marami ang natutuwa kay Jose, kaya kahit saang barangay siya nagpupunta ay “mayor” na ang tawag sa kanya. Kaya, ipinantatapat siya kay dating Yorme Isko Moreno ng Eat…Bulaga!.
Kuwelang-kuwela si Jose dahil jologs at napaka-down-to-earth nito. Masang-masa ang kanyang appeal, kaya hindi nag-aalangan ang sinuman na siya ay lapitan at yakapin.
Mahigit tatlong dekada na sa showbiz si Jose at pinasok na niya ang lahat ng trabaho sa showbiz bago naging comedian-TV host.
Ngayon ay isa siya sa mga hurado sa bagong talent search programs ng GMA-7, ang Battle of the Judges. Nagbunga rin ang sipag ni Jose.
Comments