ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 6, 2025
Photo: Liz Alindogan Kho - IG
Todo-praktis na si OWWA Administrator Arnell Ignacio para sa nalalapit na post-Valentine concert niya with The New Minstrels Fifth Generation titled Timeless… Music & Laughter (TM&L) na gaganapin sa Century Park Hotel Grand Ballroom on February 15, Saturday.
We heard sa mismong producer ng concert at aktres na si Liz Alindogan-Kho na as early as last month ay sold-out na ang tickets for the concert.
Hindi nagkamali si Liz sa desisyon niya na i-produce ang concert ni Admin Arnell at ka-back-to-back ang Fifth Generation ng The New Minstrels, kung saan kasama nila sa grupo na magpe-perform sa concert si Chad Borja at ang nagbabalik-showbiz na si Alynna.
Nagsimula ang friendship nina Admin Arnell at Liz during the pandemic. Magkasama sila sa pelikulang Mahjong Nights (MN) na pinagbidahan nina Angeli Khang at Sean de Guzman.
Doon nadiskubre ni Arnell na may comedic timing si Liz, kaya may surprise number na gagawin sa concert ang OWWA administrator with Liz.
Dati nang concert producer si Liz at naka-12 concerts na nga raw ang nai-produce niya.
“Uh, Jose Mari Chan, Vernie Varga, sina Nyoy Volante na ano pa ako. Hindi ako nanalo sa acting award, ha? Nanalo pa ako sa Aliw Awards as Best Producer for that year. Walang nakakaalam.”
Kaya naman gusto niyang patunayan na magiging successful ang upcoming concert ni Arnell.
“Masyado ko s’yang (Arnell) tinitingala dahil ang dami n’yang nagawa. Ang dami n’yang natulungan sa mga OFWs. Dapat alam ‘yun ng lahat, ng halos lahat ng Pilipino.
“Nu’ng nasa Mahjong Nights kami, nagme-memorize s’ya ng mahahaba n’yang dialogues at saka ‘yung mga comedy ano n’ya, inaayos n’ya lahat ‘yung ginagawa. Nakatingin (lang) ako sa kanya.
“Sabi ko, ‘Arnell, kaya mo ‘yang gawin? Mamaya tatawagin na tayo. Ang haba ng mga eksena natin.’
“Lahat ng mga numbers at pangalan ng kung sinu-sinong nagrereklamo, nangangailangan ng tulong, inaayos n’ya. ‘Yun si Admin Arnell.”
Paboritong leading lady ng mga “King” sa pelikulang Pilipino si Liz. Una na d’yan si Fernando Poe, Jr..
“Ang nami-miss ko talaga, ang mga crew. Ang mga (tao) sa likod (ng kamera). Kasi ang dali, barkada rin namin ‘yun, eh.
“Kay FPJ? Nami-miss ko sa kanya ‘yung napakagandang treatment sa ‘kin at sa lahat. ‘Yung magandang treatment na pagdating mo, dito ka uupo sa tabi n’ya.
“Tapos, ‘yung food na ibibigay sa ‘yo? ‘Yung talagang, ‘Oh, ‘yung ipina-prepare ko na (food) kay Miss Liz,’ ganyan.
“Tapos, ipahahatid ka sa kanyang Mercedes Benz. Eh, siyempre, wala naman akong kotse noon, ‘di ba? Ipahahatid ka, tapos, madami talagang ginagawa na kakaiba.
“Ngayon na nag-aartista na ulit ako, siyempre, wala na ‘yun. Kailangang tanggap mo na hindi ka na kasi ‘yung lead star. So, ganyan. Eh, kayang-kaya ko ‘yan kasi as I’ve said, madali lang akong pasayahin. So, hindi ko napapansin na hindi na ako pinansin. May iba nang artista na sikat. Hindi ko ‘yun napapansin.
“Kasi, ‘yung time na nag-artista ako at marami akong movies na ginawa, naranasan ko na ‘yun. So, tama na.”Last Christmas ay tahimik na nagpa-get-together party si Liz sa mga dating FPJ crew sa FPJ Studio.
“Hindi ko pinakunan, mga 250 people. Tinawagan ko ‘yung driver n’ya na until now, nand’yan pa. Tinawagan ko lahat ‘yung mga crew, clapper. Dati kasi, uso pa sa ‘min sa pelikula ‘yung mga schedule master, oo, legman, ‘no? Dumating sila.
“‘Yung mga goons? ‘Yung mga kasama ni FPJ noon, pinagsama-sama ko, lahat sila. Tapos, nagbigay ako ng konting ano, tuwang-tuwa sila.
“Kasi may music. Mahilig din kasi ako sa music, may pa-bigas. Natutuwa talaga sila, naiiyak-iyak talaga sila,
“‘First time na ulit naming nakapunta dito sa FPJ (Studio) na may party,” paglalahad pa ni Liz Alindogan.
Comments