top of page
Search

Ipinagkalat ng ex-BFF... MOIRA, UNANG NANGALIWA KAY JASON

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 30, 2023



May bagong isyung pinagpipiyestahan at pinupulutan ngayon ang mga Marites sa social media — ang diumano'y tunay na dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.


Grabe naman kasi ang pasabog ng nagpakilalang dating friend ni Moira, ang composer na si Lolito Go, na it happens na kaibigan din ni Jason at obviously, Team Jason siya.


Sa super-haba ngang post ni Lolito Go sa kanyang Facebook page, inisa-isa niya ang mga diumano'y 'dark side' ni Moira mula sa pagiging absentee ninang nito sa kanyang anak, pagkakaroon daw ng ghost writer ng singer-composer at hindi pagbibigay ng credit sa kanya na siyang tunay na nagsulat ng ilang kanta nito, pagkakaroon ng mental health condition, at maging sa personal issues ng mag-asawang Moira at Jason ay may pa-big reveal siya.


Sinabi rin niyang magaling mambola si Moira kapag may kailangan sa kanya pero sini-seen zone lang siya 'pag siya na ang may kailangan sa singer.


Inakusahan din niya si Moira na, "Looks and voice can definitely deceive. This soft-spoken lady with a voice of an angel, who always seems to have a sunny disposition, and has a penchant for quoting the Bible, has a dark side unknown to many. (A wolf in sheep's clothing, 'ika nga.)"


At bagama't wala siyang pangalang tinukoy, nag-insinuate siya na bago pa nagkaroon ng kasalanan si Jason na naging marupok nga raw at pumatol sa masahista, si Moira na ang unang gustong bumitaw sa relasyon nila ng mister dahil nakahanap na raw ito ng 'pamalit'.



"In this case, Moira is more of an oppressor than a victim. Jason took all the blame, took all the bashing, in the name of love. That's how he was raised. To roll with the punches. To give the other cheek. Jason and Moira are both Christians, pero mukhang si Jason lang ang faithful with the teachings of Christ.


"Yes, nagkasala s'ya. Pero walang third party on Jason's side. He never fell in love with anyone else. His only sin was he listened to the call of flesh and availed of illicit massage service because Moira couldn't fulfill his sexual needs. And even before Jason confessed to his sin, Moira already wanted out. Dahil nakahanap na rin s'ya ng pamalit. Someone who will “dance in the rain” with her and call her “binibini”. I'll leave it to you to guess sino ang tinutukoy ko."


Wala pa kaming nabasang sagot ni Moira laban sa dati niyang kaibigan habang isinusulat namin ang aming column, pero naglabasan na nga sa social media ang bantang demanda ng kampo ng aktres laban sa composer.


At kahit 'di nagsalita si Moira, nagkani-kanyang post naman ang mga kaibigan niya para idepensa siya sa mga akusasyon ni Lolito Go.


Well, napapaisip lang kami kung ano at saan talaga nanggagaling ang mga hugot ng galit nitong si Lolito Go para ilabas ang mga sinasabi niyang 'dark side' ni Moira.


Unang-una, kaibigan lang naman siya (ex-friend pa nga) at hindi naman siya ang mister na nagmakaawa na raw makipagbalikan pero dedma pa rin.


Kung gusto niyang ipagtanggol si Jason at linisin ang pangalan nito, sana ginawa na lang niya 'yun nang hindi binabanatan si Moira dahil hindi patas ang laban, sa socmed niya ito siniraan to think na babae ito at lalaki siya.


Para tuloy nakakatawa ang pagiging 'Marites' niya habang pagiging 'mahina' naman ni Jason dahil nangailangan pa sila ng public attention para lang mailabas ang mga hugot nila kay Moira.


At kung saka-sakali namang may work-related issues itong si Lolito Go kay Moira, dapat du'n na lang siya nag-focus, hindi na sa personal at married life ng ex-friend niyang singer dahil nakukuwestiyon tuloy ngayon ang intensiyon niya at nakikitaan ng malisya na gusto lang niyang sirain ang career at imahe ni Moira.



At ito namang si Jason, kung sincere talaga siya na gusto niyang protektahan ang kanyang estranged wife, aba, ito na siguro ang time para makabawi siya, magsalita siya at ipagtanggol si Moira kung hindi naman pala totoo ang mga akusasyon dito ni Lolito Go.


Unless… may 'go signal' niya ang pasabog ng kaibigang composer sa FB page nito?!


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page