ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 17, 2025
Photo: Rufa Mae Quinto - IG
May nakakaantig na birthday message si Rufa Mae Quinto (RMQ) para sa anak na si Athena.
Nag-celebrate ang bagets ng kanyang ika-8 kaarawan kamakailan.
Sa social media ng comedienne-actress, sinabi niyang nagiging emotional siya over watching Athena grow up.
Ang tawag niya sa anak ay ‘sweet child of mine’.
Ani ng komedyana, “Sweet child O’ Mine! Happy Valentine’s Day! Happy weekend! Happy 8th birthday. In 2 days birthday mo na… Surprise!”
Wika pa niya, “Nakakaiyak pala makita na… GO GO GROWING up na you!
“Pray pray, wish wish! Dapat matalino na ako. Gagalingan ko pa lalo ang pag-aruga sa inosenteng nilalang ko sa mundong ito! In short, ‘wag na ako mangdamay ng ‘Sweet child of mine’! Here she Go, go, Grow!
“Mahal na mahal kita, my innocent baby girl Athena!”
Kamakailan lang ay very proud na ifinlex ni Rufa Mae sa kanyang IG account ang video ni Athena habang nagre-recite ng quote na ginawa ng aktres para sa sarili.
Malakas na binabasa ni Athena ang quote habang naka-video ang bagets.
Aniya, “Your skin is not a paper, don’t cut it. Your heart is not a door, don’t lock it. Your life is not a movie, so don’t end it. And remember, you are perfect, whoever you are.”
Ayon kay RMQ, ang quote ay mensahe ni Athena para sa kanila na kanyang mga magulang at para sa lahat ng mga bata.
Humingi muna ng permiso ang aktres sa anak bago niya ipinost ang video, and the young girl said yes.
Ibinahagi ni Ria Atayde ang heartwarming moments nila ni Zanjoe Marudo sa baby nilang si Baby Sabino.
Sa Instagram (IG) ni Ria ay nag-post siya ng new video nina Zanjoe at Baby Sabino.
Sa video ay makikitang nakahawak-kamay ang aktor sa anak habang nakangiti sa kanya si Zanjoe.
“Best Valentine’s Day ever,” ani Ria at saka tinugon ng mister.
Ito ang first time na nag-celebrate ng Valentine’s Day ang celebrity couple.
Ikinasal sila last March 2024 via civil wedding sa Quezon City.
Ipinanganak ni Ria si Baby Sabino last September 23.
Naalala pa ni Ria bago niya iniluwal ang kanilang baby ang pagiging maalalahanin ni Zanjoe sa kanya.
“He has never missed an appointment at the doctor,” sabi niya.
Samantalang ang ina niyang si Sylvia Sanchez ay hindi maitago ang excitement sa pagiging grandmother sa unang apo ng Atayde family.
NAG-SORRY ang comedy writer na si Chito Francisco matapos akusahan si Alex Calleja na ninakaw ang joke niya.
This was after Calleja showed serious offense from the stolen joke remarks made by Francisco.
Inakusahan ni Francisco si Calleja na ‘ninakaw’ umano nito ang kanyang “carwash joke” na ginawa ng comedian-actor sa Netflix comedy special na Ang Tamang Panahon (ATP).
Sa Facebook (FB) ni Francisco ay may isinulat siyang, “I would like to publicly apologize to ALEX CALLEJA, my fellow writer, for accusing him of stealing the car wash joke.”
Ang unang post ni Francisco na ngayon ay deleted na ay ito:
“Nanood ako ng Netflix special ng isang Pinoy stand-up comedian. Ginamit ‘yung isang orig joke ko. Well, marami pa ‘ko n’yan brod. Marami ka pang puwedeng nakawin.”
Na-offend si Alex kaya kumonsulta siya para sa legal action.
Agad namang humingi ng sorry si Francisco, “I deeply regret what I have done to Alex, considering that my comments created and caused due and undue harm against him. I know Alex as a gentle soul, and by making those statements, it was wrong of me to put him in a bad light with false and baseless allegations.
“Worse, these comments went viral on social media, which led the public to insult him and question his integrity as a writer. I was careless and negligent in saying that, and did not realize the extent of the hurt and damage that I caused against Alex, nor the impact that it had on both his personal and professional life.”
Agad namang nag-issue ang legal counsel ng pahayag kalakip ang paghingi ng public apology ng colleague ni Alex.
Inaasahan ni Francisco na ang kanyang public apology will clear the issue between him and Alex.
Aniya, “I know what I had said has civil and criminal implications and penalties, which I hope in writing this public apology and posting it, can show my remorse and acknowledgment of my irresponsible act against Alex.
“I hope that this public statement will peacefully end the issue and settle the matter between me and Alex once and for all.”
Ang comedy special na ATP ay palabas sa Netflix kung saan nag-number #1 TV series ito.
Commentaires