top of page
Search
BULGAR

Ipauubaya na lang kay Alden… DARREN, 'DI FEEL MAGING GF SI KATHRYN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 15, 2024



Showbiz News

Two weeks matapos ang super successful concert niya sa Araneta Coliseum last June 1, humarap sa entertainment press kahapon ang Star Magic talent na si Darren Espanto.


Parang nasa Cloud 9 pa si Darren dahil sa mga papuring natanggap sa kanyang 10th anniversary concert titled D10 lalo't pinag-usapan at nag-trending sa social media ang kanyang "Kaldag dance". 


Ang nakakatuwa kay Darren, hindi nakalimutang pasalamatan ang mga taong nagtulung-tulong upang mai-stage ang kanyang concert sa Araneta, maging ang mga taong nakatulong sa kanyang career sa loob ng 10 yrs.. 


Napaka-accommodating din ng singer sa pagsagot sa tanong ng mga press people kesehodang love life na niya ang inuurirat namin. Hindi namin siya nakitaan ng takot sumagot sa mga maiintrigang tanong, unlike 'yung ibang celebs na nilalapitan pa lang namin, nagwo-walkout na. Hahaha!


Tanggap ni Darren nang sabihin namin sa kanyang heartthrob ang image niya ngayon sa showbiz dahil sa ilang young actresses na nali-link sa kanya tulad na nga lang nina Cassy Legaspi, Kyline Alcantara at maging si Kathryn Bernardo.


Aniya, hindi naman daw talaga maiiwasan ang mga isyung ganu'n at part na 'yun ng showbiz life ng mga tulad niyang singer-celebrity.


Kinumusta nga namin sa kanya ang relasyon nila ngayon ni Cassy Legaspi matapos pag-usapan sa socmed ang pag-"friendzone" nila sa isa't isa.


Ani Darren, okay pa rin naman ang relasyon nila ngayon ni Cassy bilang friends pero wala raw kasi muna sa priority niya ang pagkakaroon ng girlfriend kaya 'di na sila nauwi sa pagiging BF-GF.


At kung anuman daw ang mga detalye ng namamagitan sa kanila ngayon, kanila na lang daw muna.


Biniro rin namin si Darren kung puwede bang maging sila ni Kathryn Bernardo since inamin niyang childhood crush niya ang aktres na bumili pa ng tiket para sa kanyang concert at hindi nanood nang free, ha?


Napangiting sagot ni Darren, "'Wag naman tayong dumating du'n. Parang hindi ko talaga nakikita ang sarili kong ganu'n kasi na-establish na namin ni Ate Kath 'yung relationship namin, 'yung bond namin where I'm really like one of her little brothers. I really appreciate her presence, saka not just her presence, bumili at sumuporta talaga siya sa D10, so 'yun."


Natatawa pang dagdag nito, "'Di ko naman paaabutin sa ganu'ng level."


At sa tanong namin kung ipapaubaya na ba niya si Kathryn kay Alden Richards, napangusong sagot nito, "'Di ko po alam. Wala po akong alam."


Hahaha! Love na namin si Darren sa kanyang honesty at pagiging mabait. 

 

 

Sa 7th EDDYs Awards...

KATHRYN, CHARLIE, JULIA, MARIAN, VILMA AT MARICEL, LABAN-LABAN SA BEST ACTRESS


Kathryn Bernardo, Charlie Dizon, Julia Montes at Marian Rivera

OPISYAL nang inihayag kahapon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado sa gaganaping 7th EDDYS sa July 7 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City. 


Sa pangunguna ng mga opisyal at mga miyembro ng SPEEd, ginanap ang announcement of nominees sa Valencia Events Place kung saan naging special guests ang Miss Saigon singer na si Gerald Santos, ang baguhang singer na si Elisha at ang Puregold Cinepanalo Film Festival Director na si Chris Cahilig.  


Matindi ang labanan sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors' Choice ng SPEEd dahil maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.


Mapapanood ang delayed telecast ng idaraos na 7th The EDDYS Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10 PM.


Ito'y muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024.


Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.


Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar.

Isang posthumous award din ang ibibigay sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas.


Para naman sa Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay-inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), ipagkakaloob ito kina dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at Quezon City Mayor Joy Belmonte. 

Ang Joe Quirino Award ay ibibigay sa beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez, habang ang veteran entertainment columnist na si Ronald Constantino ang tatanggap ng Manny Pichel Award.


Ngayong taon, ang Rising Producer Circle Award ay ipagkakaloob sa Mentorque Productions, ang nag-produce ng mga pelikulang My Father Myself at Mallari.

Bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, may special award din na ipagkakaloob ang SPEEd sa magaganap na awards night – ito ang The EDDYS Box Office Heroes.


Igagawad ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.


Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na "best of the best" sa Philippine Cinema.


Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspapers at online sites sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis.


Narito ang kumpletong listahan ng mga nominado para sa 7th The EDDYS.

Best Film — About Us But Not About Us (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); Firefly (GMA Pictures, GMA Public Affairs); GomBurZa (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); Iti Mapukpukaw (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).


Best Director — Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).


Best Actress — Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).


Best Actor — Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

Best Supporting Actress — Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).


Best Supporting Actor — Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).


Best Screenplay — Angeli Atienza (Firefly), Jun Robles Lana (About Us But Not About Us), Carl Joseph E. Papa (Iti Mapukpukaw), Enrico Santos (Mallari), Rodolfo Vera, Pepe Diokno (GomBurZa)


Best Cinematography — Neil Daza (Firefly), Kara Moreno (Kampon), Juan Lorenzo “Pao” Orendain (Mallari), Shayne Sarte (When I Met You In Tokyo), Noel Teehankee (A Very Good Girl)


Best Production Design — Ferdie Abuel (Five Breakups and A Romance), Mariel Hizon (Mallari), Ericson Navarro (GomBurZa), Fedeyo Tagayon, Reynaldo Peru (When I Met You In Tokyo), Kenneth Kelvin Villanueva (Firefly)


Best Editing — Lawrence S. Ang (About Us But Not About Us), Benjamin Tolentino (A Very Good Girl), Benjamin Tolentino (GomBurZa), Benjamin Tolentino (Iti Mapukpukaw), Noel Tonga, Nelson Villamor (Mallari)


Best Musical Score — Teresa Barrozo (Becky & Badette), Teresa Barrozo (GomBurZa), Teresa Barrozo (Iti Mapukpukaw), Von de Guzman (Mallari), Vincent de Jesus (Third World Romance)


Best Sound — Lamberto Casas Jr., Alexis Tomboc (Iti Mapukpukaw), Melvin Q. Rivera, Louie Boy Bauson (GomBurZa), Sound 22 (When I Met You In Tokyo), Mien Sparks (Rewind), Immanuel Verona, Nerrika Salim (Mallari)


Best Visual Effects — Ryan Grimarez, Macky Rayanon, Tawong-Lipod Creative Studio (Shake, Rattle & Roll Extreme), Gaspar Mangarin (Mallari), John Kenneth Paclibar (Kampon), Carlos Joseph E. Papa, Eru Petrasanta, Christela Marquez, Matthew Erickson Echague et al. (Iti Mapukpukaw), Reality MM Studios Inc. (Firefly)


Best Original Theme Song — Finggah Lickin’ (Becky and Badette), Performed by Eugene Domingo, Music by Teresa Barrozo, Lyrics by Jun Robles Lana, Elmer Gatchalian and Erika Estacio; Pag-ibig na Sumpa (Mallari), Performed by Juan Karlos, Music and lyrics by Jose "Quest” Villanueva; Patawad Inay (In His Mother’s Eyes), Performed by LA Santos, Music and lyrics by Jonathan Manalo, Additional lyrics by LA Santos and FM Reyes; Sa Duyan ng Bayan (GomBurZa), Performed by Noel Cabangon, Ebe Dancel and Gloc-9, Music and lyrics by Krina Cayabyab and Gloc-9; Sa Yakap Mo (Family of Two: A Mother and Son Story), Performed by Iyah Ladip-Guanzon and Ralph Padiernos, Music and lyrics by Paulo Zarate

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page