top of page
Search
BULGAR

Ipatupad nang maayos ang batas sa mga debriefing at neuropsych testing ng mga pulis!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | June 07, 2021



Isa na namang police master sergeant ang nasabit sa pamamaril at nakapatay ng isang inosenteng sibilyan. This time, lasing ang suspek na pulis nang sabunutan at close-range niyang paputukan sa leeg ang singkwenta’y dos anyos na lola sa Quezon City. Juicekolord!


Eh, 'di ba nga ang unang police master sergeant na si Joel Nuezca ay nag-viral din sa pagpatay niya sa mag-inang taga-Paniqui, Tarlac noong Disyembre? Bakit ba tila mamera na lang sa iilang mga pulis ang buhay ng tao ngayon?


Napakasaklap! Dahil kung sino pa ang dapat na magbigay-proteksiyon sa atin, sila ang nauunang bantay-salakay sa mga inosenteng sibilyan. Parami nang parami ba ang mga trigger-happy na men in uniform? Huwag naman sanang dumami pa sila.


Hindi natin maiaalis na ang pagpupulis ang isa sa mga pinaka-stressful na uri ng trabaho at nasusubok ang tibay ng katinuan ng kanilang pag-iisip matapos ang alinmang madugo at marahas na operasyon. Pagkatapos nito, eh, mandato naman na sumailalim sila sa tinatawag na stress debriefing at neurological at psychological testing, pero hindi pa rin ito naipatutupad nang maayos!


Take note, naamyendahan naman ng R.A. 8551 ang pagrereporma sa police force, pero ang siste kasi, maluwag pa rin ito sa paggawa ng mga neuropsych tests. Kaya maraming may saltik na pulis ang nakalulusot at nagpapatuloy sa serbisyo.


Hindi gawain ng matinong pulis ang pamamaril ng mga inosenteng sibilyan, at hello, naka-off duty pa si police master sergeant Hensie Zinampan gamit ang kanyang service firearm. Super scary, ano ba 'yan?!


Ayon sa kinauukulan, isolated cases lang daw ang mga ito. Pero ang tanong ko lang, eh, hihintayin pa ba natin na maging karaniwan na lang ang ganitong mga insidente? At kapag nagkasala sila, nagiging untouchable, hindi napapanagot dahil sa padrino at frat system ng kanilang mga superior! Hello! Sir PNP chief Guillermo Eleazar, big challenge ito sa inyo.


Pero, me IMEEsolusyon pa rin 'yan, at ito nga, eh, lagyan ng ngipin ang batas at agad ipatupad ang taunang neuropscyh test ng mga pulis. Para hindi makalusot ang mga "bugok" sa inyong hanay! Pinanukala ito ng inyong lingkod sa Senate Bill 2005.


IMEEsolusyon din na pakisiyasat na rin ang immediate superior ni Zinampan para makita kung saan ang butas o kakulangan nito sa pamamalakad sa kanilang nasasakupan! Dapat automatic ito, ayon sa batas.


Kapag hindi naipatupad nang maayos ang batas sa mga debriefing at neuropsych testing ng mga pulis, inosenteng sibilyan at mga kapwa nila malilinis na pulis ang magbabayad sa kanilang kabalbalan!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page