ni MC @Sports News | Nov. 26, 2024
"Sobrang excited po ako na ngayon, I’m in a position to help other athletes, our children, the youth to promote yung direction ng discipline and teamwork through sports. Ito po ay mga values na puwedeng gamitin hindi lang sa pag-compete but also sa buhay, 'yung mga natutunan natin bilang isang atleta,” ani Milka Romero. (fbpix)
Walang ibang paalala si Boxing icon Manny Pacquiao kundi ang bigyang halaga na masuportahan ang mga pambansang atleta maging ang pagpapaunlad sa sports sa kabuuan lalo at naging matagumpay ang bansa sa kampanya nito sa Paris Olympics.
Ikinagalak ng dating senador na makita ang karisma at intelihenteng pagiging sports leader ni Milka Romero na handang ipagpatuloy ang legasiya ng kanyang ama na si Mikee, upang mapanatili ang suporta sa sports nang hawakan ang 1Pacman at magsilbing inspirasyon, motibasyon ng mga atleta lalo na sa pinansiyal na suporta sa atleta at indibidwal na nangangailangan.
Bilang isang atleta- dating co-captain ng Ateneo football team sa UAAP – perpekto si Milka na panghawakan ang trabaho na lilisanin ng kanyang ama sa 2025.
“Kailangan talaga nating tutukan ang laban para sa pag-unlad ng sports. Kitang-kita natin ngayon na ang magagaling nating mga atleta ang umaani ng karangalan para sa bayan,” ani Pacquiao nang bisitahin ito sa General Santos City.
Godfather si Mikee, ang ama ni Milka ng amateur basketball noong 2007, pinuno rin ng cycling at shooting associations, at testamento rin ang kalinga at pagmamahal sa PH sports nang gantimpalaan si weightlifter Hidilyn Diaz ng P3 million nang maging unang Olympic gold medalist sa Tokyo Games.
Tumanggap din sila silver medalist Nesthy Petecio at bronze winner Eumir Marcial ng financial rewards mula kay Romero.
“Our biggest advocacy is sports. We have grassroots programs where we want to support children in their journey na maging isang atleta. We have already created laws and projects such as the National Academy for Sports and tinutuloy din natin yung mga programs natin,” ani Romero, na hawak din ang Capital Solar Energy sa Premier Volleyball League.
Makakatuwang din ni Romero sa sports development maging ang pakikipaglaban sa kahirapan at iba pang isyu sina dating boxer-turned-civic at political leader Bobby Pacquiao at youth leader Sheila May “Shey” Sakaluran Mohammad.
Kommentare