top of page
Search
BULGAR

Ipapa-DNA raw muna ‘pag may nag-claim… BEAUTY, GAME TANGGAPIN ANG ANAK SA IBA NG MISTER

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Dec. 17, 2024



Photo: Beauty Gonzales - IG


Sa nakaraang grand launch ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) Season 3 sa pangunguna nina Senator Bong Revilla, Jr. at Beauty Gonzalez ay natanong ang huli tungkol sa underwater scene kung gaano ito kahirap.


Napa-‘Oh, my God!’ muna si Beauty, “Ang masasabi ko talaga, what a life I have ‘cause hindi ko ma-imagine na gagawin ko talaga ‘yan ever in my life.


“Inisip ko, paano kaya ‘yung underwater scene? Sa Pasig River ba? Kung saan-saan na napunta ang imagination ko, tapos nu’ng ipinakita nu’ng ginawa na namin, I really feel safe kasi may safety divers sila (production), and then, ipinakita kung ano ‘yung proseso and everything, it’s very unforgettable experience na I’m very proud and I’m excited Olivia (anak) to watch kasi inaabangan n’ya ‘yun (scene).” 


Natatawang nagkuwento pa si Beauty ng iba pang eksena at bigla niyang naalala, “Ay, ayaw ko na ikuwento, baka wala na silang mapanood. Hahaha! Pero talagang (nahirapan), tapos tanggalin pa ‘yung goggles, may mga taong nakahiga sa harap ko at sumigaw ako ng ‘Tolome!!! ’ sa ilalim ng tubig, yeah, not once but twice. Hahaha!”


At sana, huwag daw palagpasin ang bawat episode ng TWMNPSMNM dahil iba’t ibang action daw ang mapapanood.


Samantala, natanong si Beauty kung sakaling may magpakilalang anak ng asawang si Norman Crisologo sa ibang babae, paano ang take niya rito bilang ‘matinik na misis’ sa serye nila ni Senator Bong Revilla, Jr.? 


“Well, masa-shocked ako una, paano nangyari? But at the same time, I will welcome the child kasi hindi naman niya kasalanan ‘yun! I would go to DNA test just to be sure and if anak ni Norman ‘yun, he or she is welcome to the house, hindi naman puwedeng pabayaan ang bata. Susuporta ako if it happens, which I hope wala naman,” nakangiting pahayag ni Beauty.


Samantala, mapapanood na ang TWMNPSMNM simula December 22 produced ng Imus Productions at GMA-7 mula sa direksiyon nina Rechie del Carmen at Enzo Williams.


 

Inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang klasipikasyon para sa siyam na pelikula ngayong linggo. Ang epic na The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim, isang prequel sa mga nangyari sa trilogy na The Lord of the Rings, ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang). Rated PG din ang mga animated movies na Bocchi The Rock! Recap Part 2 at Daft Punk & Leiji Matsumoto: Interstella 5555.


Kaparehong PG din ang horror-comedy na Betting With Ghost na mula Vietnam; Christmas with The Chosen Holy Night, at ang mga concert films mula South Korea na Seventeen Right Here World Tour at NCT Dream Mystery Lab: Dream()scape.


Sa PG, kailangang kasama ng edad 12 at pababa ang mga magulang o nakakatanda sa sinehan.


Ang Kraven The Hunter at Dirty Angels ay parehong rated R-16 - mga edad 16 at pataas ang puwede lamang makapanood.


Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa paggabay sa mga bata habang nanonood.


“Habang mahigpit na tinitiyak ng MTRCB na ang lahat ng pelikula ay may angkop na klasipikasyon, esensiyal din na maging aktibo ang bawat magulang at guardian sa paggabay sa mga bata pagdating sa pagpili ng angkop na palabas,” pahayag ni Lala Sotto-Antonio.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page