ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 3, 2024
Nitong Huwebes ay naging bahagi tayo ng 5th Philippine Silk Summit na ginanap sa Cagayan de Oro City.
Pinangunahan ito ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute at dinaluhan ng mga stakeholders mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dito pinag-usapan ang mga programa at bagong kaalaman na may kinalaman sa pagpapalago ng Philippine silk at iba pang Philippine fabrics.
Makakaasa kayo na patuloy nating isusulong ang interes ng Philippine silk at iba pang Philippine fabrics.
☻☻☻
Ang tema ng summit ngayong taon ay “Towards Philippine Silk Sufficiency”.
Layon nating payabungin ang silk production sa bansa para makasabay tayo sa inaasahang pagtaas ng worldwide demand nito.
Sa mga susunod na taon, nais nating makilala ang Pilipinas bilang isa sa mga premier source ng high-quality and sustainable silk.
☻☻☻
Magandang ideya din ang pagganap ng Silk Summit ngayong taon sa Cagayan de Oro City. Marami kasi sa mga komunidad dito ang nakaasa ang kabuhayan sa Philippine silk.
Magandang makita natin kung ano ang epekto ng programa ng pamahalaan sa mga benepisyaryo nito.
Inaasahan nating maraming mga Silk Innovation Hubs ang maitayo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Umaasa din tayong mapakinggan ang mga kuwento ng ating mga kababayang nagbago’t umunlad ang kanilang buhay dahil sa seda.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments