top of page
Search
BULGAR

Ipagdiwang ang kagitingan at kabayanihan ng mga beterano

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Abril 14, 2024



Nitong Abril 9 ay ginunita ng buong bansa ang ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. 


Ginagawa natin ito upang bigyang pugay ang mga sundalong nakipaglaban at namatay laban sa mga mananakop na Hapones sa Battle of Bataan noong 1942. 


Dati ipinagdiriwang natin ang Abril 9 bilang “Araw ng Bataan” ngunit ngayon, ang araw na ito’y inaalala’t ipinagdiriwang natin bilang “Araw ng Kagitingan.” 


Mas akma ito dahil bagama’t natalo tayo sa digmaang ito, kinikilala at inaalala natin ang kagitingan ng ating mga kababayang handang mamatay para sa ating kalayaan. 


Mahigit sa 65,000 sundalong Pilipino, kasama ng humigit-kumulang sa 10,000 sundalong Amerikano ang nakipaglaban ng mahigit sa tatlong buwan, sa kabila ng mas malakas na armas at mas maraming bilang ng mga sundalong Hapones.  


Huwag sana nating kalimutan ang sakripisyong ito ng ating magigiting na beterano ng digmaan. 


Nawa’y maging inspirasyon ang kanilang kabayanihan upang patuloy tayong magkaisa sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon. 


☻☻☻ 


Nakikiisa rin tayo sa ating mga kapatid na Muslim na nagdiwang ng Eid al Fitr noong nakaraang Abril 10. 


Ipinagdarasal ko ang makabuluhang selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan. 


Nawa’y maghari ang katiwasayan at pagkakapatiran sa ating bayan. 


Eid Mubarak! 


☻☻☻ 


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page