top of page
Search
  • BULGAR

Invited sa birthday… ALDEN, CLOSE RIN SA GLAM TEAM NI KATHRYN

ni Nitz Miralles @Bida  | June 26, 2024



Showbiz News

Na-trigger na naman ang mga bashers ni Alden Richards dahil spotted uli sila ni Kathryn Bernardo sa birthday party ng kasama sa glam team ni Kathryn. May pa-shade na naman sila kay Alden dahil present na sa birthday party ng make-up artist ng aktres na si Justine Claudia del Rosario.


Nabuhay na naman ang tawag kay Alden na “magpapabuhat” kay Kathryn lalo na’t muli silang gagawa ng pelikula. Bagay na inalmahan ng mga fans ni Alden dahil invited daw ito sa birthday party at hindi basta pumunta na lang para sundan si Kathryn.


Sabi pa ng mga fans ni Alden, hindi nga nagpo-post si Alden ng videos o reels na magkasama sila ni Kathryn dahil ayaw niyang isipin ng mga tao na ginagamit niya ang bawat pagkakataon na magkasama sila ng aktres. Paano pa pala kung mahilig mag-post si Alden ng mga ganap nila ni Kathryn?


Nagrereklamo nga ang mga fans ni Alden dahil wala raw laman ang Instagram (IG) nito kundi puro paninda. Ang ibig tukuyin nila, puro endorsement ang laman ng IG niya at wala ang patungkol sa mga personal niyang lakad.


Anyway, sa reels ng birthday party ng make-up artist ni Kathryn na puro close friends ng may birthday at ibang kasama sa glam team ni Kathryn, si Alden lang ang naiba.

Nagulat ang mga fans kung paano na win ni Alden ang glam team ni Kathryn for a short period of time. 


Samantala, dahil wala si Alden sa premiere ng Pulang Araw, nasa Canada siya at nagsu-shooting ng Hello, Love Again nila ni Kathryn, nagsimula na siyang mag-promote ng action-drama series na premiere sa July 29, 2024 sa GMA-7.


 

Hindi dumalo sa event na kasali si Pia…

TREATMENT KAY HEART SA FASHION SHOWS, VIP


Heart Evangelista

TINANONG si Heart Evangelista ng isang netizen kung bakit hindi siya invited sa Vogue World sa Couture Week sa Paris Fashion Week. Kaya isyu ito sa mga fans dahil sa Vogue World ang unang fashion show na dinaluhan ni Pia Wurtzbach at wala si Heart.


Ang supporters na ni Heart ang sumagot sa nagtanong at paglilinaw nila, invited si Heart sa Vogue World Paris, kaya lang, hindi na kaya ng kanyang schedule at hindi na lang pumunta. Wala raw kasing gap ang fashion show ng mga brands at mas pinili ni

Heart na puntahan ang fashion show ng Schiaparelli, na si Pia naman ang hindi invited.


May mga nagduda pa rin kung invited ba talaga si Heart sa Vogue World at nang-dare pa na i-post nito ang invitation, para malaman kung talagang invited siya.


Pinagdudahan pa talaga si Heart, kalokang basher.


Sagot uli ng supporters ni Heart, hindi nito kailangang patunayan ang sarili at totoo namang hindi kailangan ni Heart ng validation lalo na kung siya lang ang manghihingi ng validation.


Saka VIP ang treatment kay Heart sa Schiaparelli dahil sa center ng front seat siya pinaupo at kaharap ang entryway ng models.


 

KUNG hindi kay Alden Richards o kay Jericho Rosales, kay Dominic Roque inili-link si Kathryn Bernardo. Lately, mas ginagawan ng isyu sina Kathryn at Dominc dahil  nadadalas ang sighting sa kanila.


May video na sabay silang nag-workout at sabay na dumating sa Aivee Clinic. Sa isang showbiz page sa Facebook (FB), ginamit ang ipinost ni Dominic na photo nila ni Kathryn na magkatabing nagwu-workout. May tanong ang may-ari ng FB page kung nanliligaw raw ba si Dominic kay Kathryn?


Nakarating ‘yun kay Dominic at sinagot ng “Kapatid ko po ‘yan, Bros.”


Sigurado lang na hindi dito magtatapos ang pagli-link sa dalawa, kaya lang, friends lang talaga sila. Naalala ng mga fans ni Kathryn na hindi iniwan ni Dominic ang aktres mula pa raw ng audio scandal ni Daniel Padilla hanggang sa nag-break na sina Kathryn at Daniel. Mas pumabor daw si Dominic kay Kathryn lalo na’t nagkaroon yata sila ng falling out ni Daniel.


Natutuwa pala ang mga fans ni Dominic na matapang na siyang sumagot at nag-react ngayon lalo na sa mga isyu na hindi totoo. Gaya na lamang nang akusahan siya ng isang netizen na kaya siya brineyk ni Bea dahil cheater siya.


Kahit “Luhhhh” lang ang sagot ni Dominic, natuwa pa rin ang kanyang supporters dahil marunong na raw silang lumaban in his own way. Hindi na raw ito gaya ng dati na tahimik lang at hindi nagre-react sa mga iniisyu sa kanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page