‘di na sisingilin sa Bayanihan 2, alamin!
ni Imee Marcos - @Buking | September 2, 2020
Kung gusto nating maging maayos pa ang suplay ng pagkain sa bansa, unahin nating siguruhin ang lagay ng ating mga magsasaka lalo na ngayong pandemya!
Alam n’yo naman, mga frennie, nagulo ng pandemya ang suplay ng pagkain sa ating bansa at lalo pang nabaon sa utang ang mga magsasaka dahil na rin sa pagkaantala ng biyahe, delivery at pagbebenta ng mga inani nilang produkto dahil sa lockdown.
Kaya naman, hirit natin para wala masyadong aalahananin ang mga magsasaka, huwag na natin silang pagbayarin sa kanilang mga utang dati sa pag-a-avail ng mga lupang pansakahan. Sila ‘yung tinutukoy natin na mga benepisaryo ng repormang pang-agraryo.
Nakapaloob lahat ng ‘yan sa Bayanihan 2 Bill. Nilinaw natin, na dapat isingit doon ang probisyon para hindi na bayaran ng mga magsasaka ang principal amount, interest at mga penalty sa mga inutang nilang pambili ng lupang sakahan, ayon sa Banking Law at regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Kapag hindi na pinagbayad ang mga magsasaka sa kanilang mga loan, puwede na ulit silang makautang sa gobyerno para masigurong mamimintina at mapapalago ang kanilang mga ani ngayong pandemya at dapat silang isyuhan ng Land Bank of the Philippines ng sertipikasyon para maka-avail sa mga lending program ng gobyerno.
Masisiguro ng mga magsasaka na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa panahon ng pandemya kung tutulungan natin sila. ‘Ika nga, mga kapatid, give and take lang ‘yan. Alagaan mo sila, aalagaan din nila ang mga produktong kanilang itinatanim at tiyak ang mga Pinoy, hindi kakapusin sa pagkain!
Alam n’yo, mga friendship, kaunting kembot na lang, maisasabatas na ang mga tulong natin para sa mga magsasaka. Believe me, mga frennie, what you sow you will reap. Malasakitan natin sila, sila ang magpo-provide at magmamantina ng ating mga kakainin lalo na ngayong ipit tayo sa panahon ng pandemya! Agree?
Comments