top of page
Search
  • BULGAR

Interview kay Kris, nag-trending… OGIE: 'WAG N'YO AKONG IKUMPARA KAY BOY

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 6, 2024


Showbiz news
Photo: Ogie Diaz / YT

Hanggang ngayon ay may Kris Aquino fever pa dahil sa mga rebelasyon nito sa Ogie Diaz Inspires vlog na sa isang upuan lang ay maraming topics na napag-usapan.


Bago pumunta si Ogie sa New York City, USA kasama ang panganay na si Erin Diaz, kaibigang Ernie Lim at kasama niyang sina Dyosa Pockoh at Mama Loi sa Showbiz Now Na vlog ay nagtanong siya kung may komunikasyon kami ni Kris. 


Sabi ko ay wala na at subukan niyang tanungin ang confidante nitong si Dindo Balares dahil sila ang madalas mag-usap.


Gusto raw kasi sanang makakuha ng update ni Ogie sa kalagayan ni Kris at hindi naman nabigo ang content creator dahil sobrang ganda ng naging takbo ng usapan nila na sa kasalukuyan ay umabot na sa 3.7M ang views ng panayam na mapapanood sa YouTube channel.


Ang ganda ng mga narinig naming feedback sa nasabing panayam ni Ogie at talagang maraming pumik-ap sa istorya niya. Pero sa kabila nu'n ay nabahala siya dahil ikinukumpara siya kay King of Talk Boy Abunda na best friend at kumpare ni Kris.


Maraming natatanggap na mensahe at nababasang posts si Ogie mula sa mga netizens na nag-aabang lagi ng balita sa kanya at binabati siya dahil sa napakagandang pagtatawid sa publiko ng panayam niya kay Kris. 


Kaya naman nitong Hulyo 3 ay umalma na si Ogie at nag-post na walang comparison sa kanila ni Kuya Boy.


Post ni Ogie sa kanyang X (dating Twitter) account, “Salamat po sa mga nagkagusto ng paraan ko ng pag-interbyu. Pero ‘wag n’yo po ako ikumpara kay Kuya Boy Abunda. Marami pa po akong kakaining bigas para lang makapantay kay Kuya Boy. Pangarap ko ring maka-Ingles nang diretso. Hahaha! Kaya idinadaan ko na lang sa pakikinig sa guest.”


Maraming nagbigay ng komento na sumang-ayon sa post ni Ogie (bagama't meron ding mga hindi) na umabot sa 1,300 ang engagements, 42 retweets at 53,000 views.


Sa ngayon ay wala pa kaming alam na reaksiyon ni Kuya Boy pero knowing him ay hindi niya papatulan ang isyu bagkus ay babatiin pa niya si Ogie for a job well done.


Samantala, kinilig naman ang mga supporters ni Kris, maging si Bimby (na mas gumuguwapo at napaka-gentleman pagdating sa babae), base sa ‘date’ nila ng anak ni Ogie na si Erin na naging girlfriend niya for a day dahil namasyal sila sa Disneyland Park sa Orange County California.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page