ni Lolet Abania | January 28, 2021
Sinibak na sa puwesto ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana si Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Alex Luna dahil sa lumabas na maling listahan ng mga NPA na napatay ng militar.
Epektibo ngayong araw, Enero 28, 2021, ang pagtanggal sa posisyon kay Luna.
Sinabi ni Lorenzana na sa opisina ni Luna sa J2 nanggaling ang maling listahan ng mga rebeldeng napatay ng militar. Ipinaliwanag ng kalihim na isa itong kapabayaan sa trabaho na hindi maaaring palagpasin kaya nararapat lamang na siya ay managot sa napakalaking pagkakamali.
Matatandaang umani ng matinding batikos ang AFP matapos lumabas ang mali-maling listahan ng mga NPA na napatay ng militar kung saan mali ang pangalan na nakalagay habang ang iba naman ay buhay pa talaga.
"I am relieving MGen Alex Luna from his post as Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2, effective today (28 Jan 2021). The publication of an erroneous list, originating from his office OJ2, of alleged NPA killed by the military is an unforgivable lapse. His negligence only shows a lackadaisical attitude towards his job resulting to confusion and damage to reputation. We do not take these offenses lightly and I want to hold the people involved accountable,” ayon kay Lorenzana.
Comentarios