ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 7, 2023
Itatatag ang isang intelligence group na may tungkuling labanan ang katiwalian sa Department of Agriculture (DA).
“I will be creating my own intelligence group… Well, one of the directives of the President is if may dumi diyan, bring it up,” tugon ni Sec. Francisco Laurel, nang tanungin kung paano haharapin ang katiwalian sa ahensya.
Lalabanan din umano niya ang mga smuggler at hoarder, na itinuturing niyang kaaway ng mga magsasaka at mga mamimili.
Matatandaang, ilang opisyal ng DA sinuspindi habang nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa alegasyon ng katiwalian.
Noong Agosto, inatasan ni Ombudsman Samuel Martires ang pansamantalang suspensyon ng limang opisyal ng kagawaran ng agrikultura na may mga kasong "grave misconduct, gross neglect of duty, and conduct prejudicial to the best interest of service."
Comments