top of page
Search
BULGAR

Integration at master plan ang kailangan sa flood control projects ng pamahalaan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 4, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong Huwebes, ika-1 ng Agosto, nagkaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Public Works para busisiin kung bakit sa kabila ng malaking pondo na inilalaan kada taon para sa flood control projects, nangyari pa rin ang matindi at malawakang pagbaha sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.


Fifteen years makalipas ang Ondoy, ano na ang nangyari sa dose-dosenang feasibility studies at flood management plans para sa Metro Manila -- na pinondohan ng ating pamahalaan at maging ng ibang bansa kasama na ang World Bank?


Anong nangyari sa lagpas trilyong pisong flood control projects ng DPWH, MMDA -- kasama na ang DILG, DHSUD, DENR, LLDA, at mga lokal na pamahalaan?


☻☻☻


Nakakalungkot dahil nalaman natin sa pagdinig na walang master plan o kabuuang plano para sa flood control projects sa Metro Manila.


Mismong si DPWH Secretary Manuel Bonoan na rin ang nagsabi na hindi integrated ang mga nabanggit na proyekto dahil kada proyekto ay nakatutok lamang sa partikular na lugar o ilog.


Dagdag pa niya, maraming master plan sa 18 pangunahing river basins subalit karamihan ay nasa preparation stage pa rin.


☻☻☻


Hindi na bago sa ating bansa ang pagdaan ng mga bagyo at habagat.


Ngunit hindi naman nangangahulugan na tuwing may bagyo at malakas na ulan ay tatanggapin na lang natin na may baha.


At hindi rin siguro tama na palagi na lang tayong aasa sa resiliency ng ating mga kababayan pagdating ng sakuna.


Ayaw na nating maulit ang nangyari sa atin noong kasagsagan ng Bagyong Carina at nararapat lamang na siguruhin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mamamayan.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page