top of page
Search
BULGAR

Insurance assistance ng mga titser sa BSKE, tiniyak ng DepEd

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023




Nangako ang Department of Education (DepEd) ngayong Lunes na bibigyan ng tulong medikal at insurance ang mga guro na naglingkod para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Sinabi ni Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, sa mga mamamahayag sa tanggapan ng Commission on Elections na bukod sa mga benepisyo na ibinibigay ng Comelec, ibibigay din ang tulong medikal at personal accident insurance sa kanila.


Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang DepEd sa Comelec upang tiyakin na makukuha ng mga BEI ang kanilang honoraryo para sa tungkulin sa halalan.


Nagkakahalaga ito ng P9,000 hanggang P10,000. Sa kasalukuyan, pinoproseso na ng DepEd ang mga kailangan para sa mas maagang pagpapalabas ng honoraryo.


Ang benepisyo para sa may mga tungkulin sa halalan ay dapat mailabas sa loob ng 15 araw.







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page