ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 1, 2023
Dear Chief Acosta,
Ako ay nagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno. Isang hapon, nakaupo ako sa isang sulok nang biglang tumabi sa akin ang katrabaho ko. Sobrang nagulat at nahiya ako nang hawakan at kilitiin niya ako sa hita at tuhod. Sa kabila ng pagtutol ko, hinawakan naman niya ako sa kamay. Balisa at sobrang sama ng loob, nag-walk out ako. Ang depensa niya ay nagbibiruan/nagtutuksuhan lang diumano ang grupo.
Napapaisip akong magreklamo. Angkop ba ang kanyang pag-uugali o gawi? - Girlie
Dear Girlie,
Sa kasong Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) vs. Vergel P. Tabasa, G.R. No. 234624, 26 February 2020, sa panulat ni Honorable Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, kinilala ng Kagalang-galang na Korte Suprema na sa kabila ng mga positibong epekto ng panunukso sa interpersonal na relasyon, maaaring hindi ito palaging itinuturing na mabuti:
“Misconduct is a transgression of some established or definite rule of action; more particularly, it is an unlawful behavior by the public officer.
There is evidence to support the claim that Tabasa committed an unlawful behavior against Angco. A careful perusal of the records of the case would show that there is no dispute that Tabasa deliberately touched the knee of Angco in jest and that this act was unsolicited. As defense, Tabasa justified his actions as a form of bantering. However, it is important to stress that there is playful teasing and then there is hurtful teasing. Despite teasing’s positive effects to interpersonal relationships, it may not always be perceived favorably. The way a person views a joke may differ depending on the situation and on how one perceives a tease — a teaser’s intentions and his/her overall interaction with the teaser. Insensitive jokes or actions could border on harassment due to the fact that targets may be unaware of the teaser’s intentions. Therefore, for the protection of all employees, a line has to be drawn before an innocent action becomes a full-blown harassment.
This is not to completely prohibit light-hearted banter for no one would want to create a sterile working environment. Creating an atmosphere of playfulness in the workplace is an understandable form of social interaction. The Court takes judicial notice that humor in the workplace could positively leverage work-related outcomes such as work productivity, staff motivation, job satisfaction, group cohesion, commitment, and most importantly, stress reduction. However, unsolicited physical contact, even if done in jest, has no place in the workplace, especially in the government service.”
Ayon sa nasabing kaso, ang paraan ng pagtingin ng isang tao sa isang biro ay maaaring mag-iba depende sa sitwasyon at sa kung paano nakikita ng isang tao ang isang panunukso – mga intensyon ng isang nanunukso (teaser) at ang kanyang pangkalahatang pakikipag-ugnayan sa nanunukso (teaser). Ang mga insensitive na biro o aksyon ay maaaring hangganan ng panliligalig (harassment) dahil sa katotohanang maaaring hindi alam ng mga target ang mga intensyon ng nanunukso (teaser).
Kung kaya, ang paghipo sa hita/tuhod at paghawak sa kamay ay malinaw na hindi hinihingi at hindi kailangan, at ang iyong katrabaho ay walang karapatan na gawin ito.
Kahit na ang pagkilos ay ginawa nang walang malisya, ito ay lampas sa lahat ng hangganan ng kagandahang-asal para sa isang tao na hawakan ang anumang bahagi ng katawan ng iba nang walang pahintulot.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments