ni Gerard Peter - @Sports | November 2, 2020
Humanda na ang ibang kampeon sa bantamweight division, dahil pupuntiryahin ni unified titlist Naoya “Monster” Inoue (20-0, 17KOs) na makuha lahat ang mga ito.
Kasunod ito ng impresibong 7th round knockout victory laban kay Australian Jason “The Smooth One” Moloney (21-2, 18KOs) para sa WBA/IBF/The Ring 118-pound titles, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Hindi lingid sa kaisipan ng three-division World champion ang kanyang hangarin na makuha lahat ng titulo, kinakailangan niyang antayin ang mananaig sa labanang Nordine Oubaali (17-0, 12KOS) ng France at “Filipino Flash” Nonito Donaire (40-6, 26KOs) para sa WBC belt sa Disyembre 12 sa Mohegun Sun Casino sa, Uncasville, Connecticut; habang mainit namang naghihintay si WBO titlist Johnriel “Quadro Alas” Casimero na kating-kati ng makadaupang kamao ang undefeated Japanese.
“Oubaali and Donaire for the WBC and of course Casimero with the WBO, looks within my sight as far as we can tell,” wika ni Inoue, ayon sa Japanese interpreter matapos ang laban.
Pinatunayan ng 27-anyos mula Zama, Kanagawa, Japan na isa siya sa mga pinakamahuhusay na pound-for-pound boxer sa buong mundo nang pabagsakin ng tuluyan ang Aussie boxer sa 2:59 ng 7th round mula sa isang counter right straight sa mukha para maipadama ang kalabisan ng lakas laban sa 29-anyos na si Moloney.
“Maloney has a quick great defense and it’s difficult to get through, and the punches that are converting is something that we’re practicing in Japan, and I was able to perform it and use it, and I’m very happy for that,” wika ng undefeated champion, na unang beses lumaban sa Estados Unidos sapul ng pumirma sa Top Rank ni Bob Arum.
Ipinamalas ni Moloney ang bilis at lakas ng mga suntok sa simula pa lang ng unang rounds, kung saan kabilang ang sangkaterbang opensiba at atake nito mula sa kanyang jabs, body shots, left hooks at right uppercut na nagpahirap ng husto sa depensa ng Mitcham, Victoria, Australia-native.
Comments