Inokray ng mga bashers… IVANA, NAGPAKITA NA NG KALAHATI NG PUWET, SAPAW PA RIN SA ABS-CBN BALL
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 7, 2025
Photo: Ivana Alawi - Instagram
Bentahe ang pagiging beauty queen ni Michelle Dee (MMD) nang pinarampa siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kasama ang ibang housemates.
Walang kahirap-hirap si Michelle nang umawra na mala-model.
At maging nang dumalo si MMD sa ABS-CBN Ball ay nakaw-eksena siya dahil napakaelegante ng kanyang suot na gown. Hindi siya nagpakabog sa ibang Kapamilya stars sa rampahan. Iba pa rin ang ‘aura’ at impact ng isang beauty queen kapag dumadalo sa mga special events.
Well, para sa amin, bukod kay Michelle Dee, ay stand-out din sa ABS-CBN Ball (base sa kanilang total look) sina Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Kim Chiu, Julia Montes, Sue Ramirez, Maymay Entrata, Nadine Lustre, Ashley Ortega, Janine Gutierrez at Heart Evangelista.
Marami naman ang dismayado sa gown ni Julia Barretto, kasi hindi raw bumagay sa kanya.
Maging si Ivana Alawi ay hindi lumutang sa kanyang sexy pink gown na nagpakita ng kanyang kalahating butt. Inokray-okray tuloy siya ng mga bashers.
Umalma ang libu-libong Vilmanians sa lalawigan ng Batangas nang tawaging ‘laos’ ng isang basher si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto. Nagalit din at dumepensa ang mga lolo’t lola na nagmamahal kay Ate Vi.
Para sa mga senior citizens, hindi kailanman mawawalan ng ningning ang isang Vilma Santos kahit bihira nang gumawa ng pelikula. Nagmarka pa rin sa mga Batangueños ang magandang serbisyo niya sa lalawigan ng Batangas.
Mahigit na 5 dekada na sa showbiz ang Star for All Seasons, sanay na sanay na siya sa mga batikos at intriga, kaya hindi na siya naapektuhan sa paninira ng kanyang mga kalaban. Nagpatuloy siya sa sinserong pagtulong sa mga nangangailangan.
Nagsimula ang political career ni Ate Vi nang mahalal siyang mayora ng Lipa City. Tatlong termino siya sa kanyang puwesto. Nakuha niya ang tiwala ng mga Batangueños kaya noong 2007 hanggang 2016 ay ibinoto siyang gobernador at nanungkulan ng 3 termino. Naging congresswoman din siya sa 6th District ng Batangas.
Ngayong midterm elections, kumakandidatong muli bilang gobernador ng Batangas ang Star for All Seasons. Vice-governor naman ang anak niyang si Luis Manzano. Ang bunso niyang si Christian ay tumtakbo ring congressman. Dahil dito, hindi nakaligtas si Ate Vi sa issue ng dynasty sa pulitika.
Gayunpaman, naniniwala si Vilma Santos na basta sinsero ang hangarin nilang magsilbi at makatulong sa kanilang mga kababayan, ang mga Batangueños naman ang huhusga kung karapat-dapat silang iboto. At ilang taon nang pinatunayan ng Star for All Seasons na isa siyang hardworking public servant.
TIYAK na maninibago ang mga fans sa bagong hairstyle ngayon ni Barbie Forteza, pero bumagay naman sa kanya ang short hair. Mas bumata siyang tingnan, at mas naging komportable siya sa kanyang “summer look”.
Patuloy namang kinikilig ang mga fans sa tambalan nina Barbie at David (BarDa) Licauco. Marami na ang nag-aabang sa seryeng kanilang pagsasamahan at ang pelikulang kanilang pagtatambalan.
Sey pa ng mga BarDa fanatics, mahigit 3 buwan nang break sina Barbie at Jak Roberto. Puwede na raw ituloy at seryosohin ni David ang panliligaw kay Barbie.
Marami rin ang nakakapansin na hindi na asar si David kapag tinutukso sila ni Barbie sa isa’t isa.
Sa kanyang mga interviews, consistent si David Licauco sa pagsasabing, “I care for her a lot.”
At inamin din ni Barbie na very caring si David dahil ito ang nag-alaga sa kanya nang magkasakit noong nag-show sila sa Cebu.
TIYAK na marami pa rin ang nakakakilala kay Leni Santos, ang kapareha noon ni Rey “PJ” Abellana during the ‘80s.
Big hit noon sa mga viewers ang serye nilang Anna Lisa (AL). Sumikat nang husto noon si Rey PJ na ama ni Carla Abellana.
Noong 2014, nagkaroon ng reunion sina Leni at PJ nang mag-guest sila sa programang Sarap, ‘Di Ba? (SDB) at sa The Ryzza Mae Show (TRMS). Hindi nagtuluy-tuloy ang pagka-comeback sa showbiz ni Leni, kaya piniling manatili na sa Amerika.
Pero marami pa rin sa mga dating tagahanga ng Leni at PJ love team ang humihiling na magkaroon sila ng reunion project.
Kaya naman nagawang kontakin ni Julius Babao si Leni Santos na sa USA na naninirahan ngayon. At si Leni ang kanyang itatampok sa kanyang latest vlog.
Paniniyak ni Julius Babao, uuwi sa ‘Pinas si Leni Santos para sa exclusive interview niya. Tiyak na marami ang mag-aabang at gustong malaman kung ano ang naging buhay ni Leni Santos nang isantabi ang showbiz.
Comments