ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 15, 2023
Matunog ang bali-balitang magiging Kapuso na rin ang dating ka-love team ni Liza Soberano sa ABS-CBN na si Enrique Gil.
Under negotiation na ang lahat at si Enrique ang balak gawing leading man ni Marian Rivera sa seryeng gagawin sa GMA-7.
Hindi naman magiging limitado ang exposure ni Enrique sa GMA Network. Marami namang shows ang Kapuso at GTV at puwede rin siyang mag-guest.
Ngayong nakawala na si Enrique Gil sa love team nila ni Liza Soberano, mas maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya. Hindi na niya kailangang sumandal pa sa kanilang love team. Magkakaroon na siya ng pagkakataon na patunayan na isa siyang aktor.
Коментарі