top of page

Iniwan ng mga kaibigan sa mala-disyertong lugar, pahiwatig ng pagkabigo sa mga pangarap

  • BULGAR
  • Apr 6, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 6, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gio ng Malinta.


Dear Maestra,


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na namasyal kami ng mga kaibigan ko sa isang lugar na parang disyerto. Naglibot-libot ako sa paligid, tapos hindi ko napansing umalis na pala ang mga kaibigan ko. Napagkasunduan pala nila na iwanan akong mag-isa sa nasabing lugar at bigla talaga silang nawala, habang mag-isa ako at hindi malaman ang gagawin.


Naghihintay,

Gio



Sa iyo, Gio,


Ang ibig sabihin ng pumunta kayo ng mga kaibigan mo sa lugar na parang disyerto at naglibot-libot ka sa paligid nito ay nagpapahiwatig na maglalakbay ka sa malayong lugar. Maraming problema ang kakaharapin mo habang naglalakbay at hindi magiging ligtas ang pagbiyahe mo. May mga hadlang sa iyong daraanan na magiging sanhi ng iyong pagkairita.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng napagkaisahan ng mga kaibigan mo na iwanan ka, pagkabigo sa iyong mga hangarin at minimithi sa buhay ang daranasin mo. Marami kang pagsubok na daranasin kung saan halos sumuko ka na at mawalan ng pag-asa.

Maging matatag ka sa buhay. Huwag kang panghihinaan ng loob. Gayundin, maging matiyaga ka upang makamit ang iyong mga pangarap. ‘Ika nga, kung may tiyaga, may nilaga.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page