top of page
Search

Iniwan ng aktor para kay Maris… EX NI ANTHONY NA SI JAMELLA, ENDORSER NA RIN, MAY BILLBOARD PA SA EDSA

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 1, 2025



Photo: Jamela Villanueva - Instagram


Celebrity na ring maituturing ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jamella Villanueva dahil endorser na ito ngayon ng Ampong Dental Essentials na may tagline na “Every smile tells a perfect story.”


Swak at perfect talaga ang pagkakapili kay Jamella dahil bukod sa perfect set of teeth nito na lalo niyang ikinagaganda kapag ngumingiti, tamang-tama rin sa kanya ang tagline dahil open book naman sa lahat ang pinagdaanan ni Jamella sa relasyon nila ni Anthony, na naging national issue pa nga ang cheating scandal with Maris Racal.


First endorsement ni Jamella ang Ampong Dental Essentials at grateful daw siya sa pagkakapili sa kanya ni Dra. Camille Ampong-Casas para i-represent ang brand na mula sa successful celebrity clinic na Ampong Dental Clinic na may four branches na ngayon sa Metro Manila — Kamuning, San Juan, Cainta at Makati.


At ang bongga ni Jamella dahil first endorsement pa lang, may billboard agad siya sa EDSA!


Kaya naman natanong siya sa launching niya as endorser kung balak na rin ba niyang mag-artista.


Nagpakatotoo naman si Jamella na hindi niya kaya ang sistema ng showbiz dahil very soft type of person daw siya at hindi kakayanin ng mental health niya ang pumasok sa showbiz industry.


Inamin din niyang nakaapekto ‘yung nangyari sa kanila ni Anthony sa impression niya sa showbiz.


“Maybe po? Yes, kasi nagulat ako, eh. Witness ako du’n, eh,” nangingiting sabi ni Jamella.

Sa ngayon ay nasa moving on stage pa raw siya at hindi pa totally nakakapagpatawad, pero hindi naman daw ibig sabihin nu’n na hindi na rin siya ngingiti. Kaya nga malaking bagay din ang pagiging endorser niya ngayon ng Ampong Dental Essentials para lagi siyang naka-smile.


Anyway, naikuwento ni Jamella sa mediacon ng first endorsement niya na dalawa lang pala silang magkapatid at ulila na. Nu’ng bata pa siya, nagkaroon din daw siya ng health problem kaya feeling left out siya sa mga physical activities sa school.


At ang latest ngang pinakamabigat na dagok sa buhay niya ay nang ma-fall out of love sa kanya si Anthony na karelasyon niya nang 7 yrs. pero iniwan siya nang ma-in love kay Maris Racal.


Kung malalaman lang ng mga netizens ang naging buhay ni Jamella Villanueva, tiyak na lalo silang maaawa rito at lalo namang manggigigil kina Maris at Anthony sa ginawa sa kanya. 


Pero sa kabila ng lahat, nananatili namang metatag si Jamella at sabi nga niya, “new beginning” ang pagdating ng bago niyang endorsement na nagbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa para ipagpatuloy ang buhay.


Well, sa nakikita naman namin, pareho lang sila ni Maris na naging biktima ng sobrang pagmamahal sa maling tao. Pero we believe na one day, makaka-move on din silang pare-pareho at magiging “lesson learned” at bahagi na lang ng kanilang kabataan ang nangyari.


Sabi nga ni Jamella, ang importante naman, kahit paulit-ulit pa tayong madapa, dapat marunong tayong tumayo at lumaban sa buhay.

That’s the spirit, ghorl!


 

Dapat daw, ‘pag patay na siya… JESSICA, SI SHARON ANG GUSTONG GUMANAP SA LIFE STORY NIYA




Engrande ang ginanap na Chinese New Year celebration ng The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) led by President Dr. Cecilio K. Pedro last January 29 sa Golden Bay Seafood Resto sa Pasay City.


Present siyempre ang mga kapatid nilang Chinese businessmen at maging ang iba’t ibang pulitiko mula sa iba’t ibang panig ng ‘Pinas para makiisa sa celebration.

Pero highlight ng gabi ang pagbibigay ng pagkilala at parangal sa ilang personalidad na nakagawa ng malaking impact at kontribusyon sa ating Philippine culture, diplomacy, and civic engagement.


Kabilang dito sina dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, National Artist Ricky Lee, topnotch journalist Jessica Soho at ang sikat na designer from Cebu na si Kenneth Cobonpue.


Dumating din si Sen. Imee Marcos on behalf of her mom para tanggapin ang award nito.

Sandali naming nainterbyu ang well-respected na si Ms. Jessica Soho ng GMA-7 matapos siyang bigyan ng parangal ng FFCCCII at sa totoo lang, sa kabila ng stature niya sa industriya, nakakabilib ang pagiging humble at accommodating ng broadcast journalist-host ng Kapuso Mo, Jessica Soho.


Tinanong namin ito na dahil may bago na naman siyang award, willing ba siya kung ang life story naman niya ang gagawan ng pelikula?


Nu’ng una ay medyo nag-isip pa ito, pero sumagot din na kung gagawan man ng pelikula ang buhay niya, dapat daw ay kapag wala na siya sa mundo at gusto niyang mailahad sa movie ang pagiging journalist niya na nakasaksi sa mga naging buhay ng ilang pangulo na ng bansa.


At kung sino ang choice niyang gumanap bilang Jessica Soho sa pelikula?

“Si Sharon!!!” ang diretsong sagot ni Ms. Jessica Soho.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page