top of page
Search
  • BULGAR

Iniwan ang career nang mabuntis ni Richard… NETIZEN KAY SARAH: MAGTIRA PARA SA SARILI

ni Beth Gelena @Bulgary | November 24, 2023



No show si Sarah Lahbati sa recent event sa pamilya Gutierrez kung saan bininyagan ang anak ni Rocky Gutierrez na brother ni Richard.


Ang dalawang anak lang ang kasama ni Richard kaya nagpiyesta na naman ang mga netizens sa pagko-comment.


Ayon sa isang nag-comment, may nagtanong daw kay Ruffa Gutierrez kung nasaan si Sarah.


Ang sagot ni Ruffa ay "Nasa beach."


Sey ng netizen, “Kaka-sad naman. I hope hindi naman tablahin ng circle of friends nila si Sarah. Pero sadly, sa mga ganyang crowd, nagpi-pick talaga ng side. Napansin ko rin, iba na madalas ang kasama ni Sarah na friends."


"USO NGAYON ANG KAMPI-KAMPIHAN AT HATIAN NG FRIENDSHIPS."


Ang haba naman ng komento ng isang netizen, "Eto sinasabi ko… my opinion lang… walang masama na tumigil ang mundo mo para pagserbisyuhan ang asawa at mga anak, pero dapat, merong matitira para sa sarili.


“Masyado siyang na-in love, she burned bridges with GMA. Puwede namang bumalik after pregnancy or a few years after raising her kid/s. Naungusan siya ng mga ka-batch niya, tapos puro pasosyal pa ang inatupag… eh, di sana, ‘yung per ana ginamit pambili ng mga material na bagay (although kahit papaano, kumikita sa endorsements), sa sariling negosyo man lang ginamit.


“Buti pa si Sofia (Andres?), kahit social climber rin, after getting pregnant sa rich BF, eh, nagtatrabaho and nag-put up ng small business at mukhang hands-on din sa anak niya sa paraan na alam niya… If you want to be a stay at home, wala ring problema lalo na hands-on ka talaga.


“Si S, puro sosyalan din ‘yan dati, eh… learn from Maggie W… puro lamyerda at sosyalan back in the day, nag-work rin naman siya but I don’t get why wala siyang naipundar man lang… Although kawawa si M ngayon, I get why people were so annoyed at her back then.


May pagka-mayabang and entitled noon. Life talaga will humble us… the best is to walk with humility and to earn kahit gaano kaliit for yourself… Kaya naman mag-adjust ng lifestyle para maraming time with the kids and at the same time, may ipon…"


Nababasa kaya ni Sarah ang mga komento ng mga netizens?


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page