top of page
Search

Inisa-isa lahat ng sakripisyo… DINGDONG, MAS MINAHAL SI MARIAN NANG MAGING NANAY

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 7, 2022



Bukas (Sunday) pa ang celebration ng Mother’s Day pero ang ilang celebrities ay nagsimula nang magbigay ng tribute sa mga ina.


Una na d’yan ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Isang madamdaming mensahe para sa mga ina ang inihayag ni Dingdong sa video na kumalat sa socmed few days bago ang botohan sa Lunes, May 9.


“Sa inyo po ang aking buong pagpupugay... ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto. Tulad ninyong lahat, mahal ko ang nanay ko. Pero hindi ko lubos matukoy kung bakit, hanggang masaksihan ko mismo sa asawa ko,” simula ni Dingdong sa video na ipinost niya sa Facebook kahapon.


Binanggit ni Dingdong ang mga katangian ng isang mabuting ina, na pinoprotektahan ang mga anak sa panganib at inuuna ang kanilang kapakanan kesa sa kanyang sarili.


Ani Dingdong, “Kaytapang talaga ng mga nanay. Handang makipaglaban, iharang sa peligro ang sariling katawan, makipagsapalaran, ipagpaliban ang sariling kapakanan. Walang aatrasan. Walang hamong sinusukuan. Ibang klaseng magmahal. Radikal!”


Tinawag din niya ang mga ina bilang “miracle workers” dahil sa kanilang abilidad na pagkasyahin ang maliit na budget.


Lahat ng sakit, naiinda. Pagkaing isusubo na lang, ibibigay pa sa mga anak niya. Prayoridad niyang umangat ang buhay ng mga mahal niya,” sabi pa niya.


Habang itinuturing ang mga ina bilang “ilaw ng tahanan”, sinabi ni Dingdong na karapat-dapat din silang tawaging “haligi ng tahanan” dahil sa dami ng kanilang ginagawa para sa pamilya.


“Inspirasyon namin siya para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti. Kaya buong-buo kong itataya sa pangangalaga niya ang mga pangarap ko para sa aking mga anak, para sa aming pamilya. Sana, lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina. Dahil alam nating lahat na totoong dakila sila,” sabi pa niya.


Reading between the lines, knows na natin kung sino ang ibobotong presidentiable ni Dingdong sa botohan.


Bukod-tanging si Vice-President Leni Robredo lang naman ang kandidato sa pagka-presidente na isang ina, ‘di ba?


And remember, sinuportahan ni Dingdong ang kandidatura ni Leni Robredo bilang bise-presidente noong 2016.


Actually, maraming celeb ang naghayag na rin ng kanilang suporta kay VP Leni na ‘di naman nakita sa anumang rally gaya ni Dingdong.


May iba’t ibang pamamaraan ang celebrities sa kanilang political endorsements lalo na’t 'yung iba ay may limitasyon dahil na rin sa conflict of interest sa kanilang pinagtatrabahuhan.


‘Yung iba naman, merong malinaw, merong subtle, merong nagpo-post sa socmed, merong nag-a-attend ng rally, may nagpe-perform sa rally, may nagha-house-to-house, may nag-flashmob pa at merong lumalabas sa video gaya ni Dingdong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page