ni Mylene Alfonso @News | July 18, 2023
Itinanggi ng 5 pulis-Maynila ang alegasyon laban sa kanila na pagnanakaw, ng may-ari ng computer shop na si Hermiginildo Dela Cruz, 73, ng Maynila.
Nagbigay ng pahayag sina Staff Sgts. Ryann Tagle Paculan, Jan Erwin Santiago Isaac; Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol; at Patrolmans Jeremiah Sesma Pascual, at John Lester Reyes Pagar, pawang mga miyembro ng MPD-DPIOU, kasama ang kanilang mga abogado sa tanggapan ng Manila Prosecutors Office matapos isampa ang kasong paglabag sa Article 295 (Robbery with Intimidation), ng revised penal code.
Iginiit ng mga pulis na wala silang kinuhang P40,000 at P3,500 na kita sa nasabing shop. Si Dela Cruz din umano mismo ang nag-alok ng P4,000 kada linggo pero ito ay hindi nila tinanggap.
Sinabi pa umano ni Dela Cruz na may kamag-anak siyang mataas na opisyal.
Anila, Hulyo 7, nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa isang computer shop na nagsasagawa umano ng ilegal na online casino kaya pinuntahan ito.
Tumanggi umano si Dela Cruz na buksan ang computer sa shop dahil wala umamo silang search warrant.
Nanindigan naman ang mga pulis na mas gusto nilang lumabas ang CCTV footages sa shop dahil 'yun ang magpapatunay sa kanilang pahayag.
Comments