@Editorial | August 09, 2021
Kasunod ng insidente ng pagdagsa sa mga vaccination sites dahil sa tsismis o fake news, umapela na ang Department of Health sa mga sangkot na magpa-swab test at mag-self quarantine.
Sa pamamagitan nito ay may pagkakataong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pinaniniwalaang super spreader events.
Matatandaang ang pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites ay matapos ang mga lumabas na balita sa social media na nagsasabing hindi makakakuha ng ayuda ang mga walang bakuna at hindi rin makalalabas ang walang bakuna.
Itong fake news na umabot sa mga barangay na nag-anyong tsismis na madaling pinaniwalaan.
Paulit-ulit nang ipinapaalala sa lahat na huwag basta maniniwala sa mga nababasa online.
Imbes na naka-focus ang bansa sa pagbabakuna, nadagdagan pa ang alalahanin sa posibilidad na dumami pa ang kaso ng COVID-19.
Nakapanlulumo na nagpapatupad tayo ng mas mahigpit na community quarantine at marami ang nagsasakripisyo pero, sinasabayan pa ng mga eksenang wala na ngang naitutulong, perhuwisyo pa.
Commenti