top of page
Search
  • BULGAR

Inflation rate ng 'Pinas, lumobo sa 4.4% nu'ng Hulyo — PSA

ni Angela Fernando @News | August 6, 2024


Sports News
Photo: PSA / FB

Lumobo ang antas ng inflation nu'ng Hulyo matapos ang pagbaba nito nu'ng Hunyo dahil sa mas mabilis na pagtaas ng mga gastos sa utilities, pagkain, at transportasyon sa nasabing panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.


Sinabi sa isang press conference ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation na sumusukat sa bilis ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo ay tumaas sa 4.4% nu'ng nakaraang buwan, mas mabilis kumpara sa 3.7% na antas nu'ng Hunyo.


“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Hulyo 2024 kaysa noong Hunyo 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels sa antas na 2.3%,” saad ni Mapa.


Umabot ang year-to-date inflation rate sa 3.7%, na nasa loob pa rin ng itinakdang hangganan ng gobyerno na 2% hanggang 4%. Pasok din ito sa tinatayang saklaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 4% hanggang 4.8%.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page