top of page
Search
BULGAR

Inflation ang dapat tutukan, Chacha, ‘wag muna!

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | March 15, 2023



Pursigido ang ilan nating mga kapwa mambabatas sa Senado at Kamara na buhayin na ang Charter Change o Chacha. Target daw nila na baguhin ang probisyong may kinalaman sa ating ekonomiya.


Sinisiguro ng mga kasamahan natin sa Senado na ekonomiya lang ang gagalawin at hindi madaraanan ang politikal na probisyon dito. Ganito rin naman ang pangako ng ating solons sa Kongreso.


Pero, sabi nga ng ating Senate President, ni halos kalahati lang ng mga senador ang interesadong baguhin ngayon ang ating Konstitusyon.


Sa ganang akin, bagama’t maganda ang intensyon, hindi napapanahon na itulak ito!


Abah, eh ke dami-daming mga problemang dapat nating unahin ngayon, na dapat matalakay at matutukan sa Senado.


Tulad ng mga problema sa trabaho, inflation, at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, napaka-urgent talaga ng food shortage, gayundin ang mga isyu sa peace and order.


Hay naku, sandamakmak na naman ang mga patayan na ‘yan at pinakahuli nga itong

ating kaibigan at kaalyadong si Negros Oriental Governor Roel Degamo, ‘di ba?


Para sa akin, unahin natin ang kumakalam na sikmura ng ating mga kababayan! Agree naman ako na baguhin ang ilang mga probisyon sa ekonomiya, IMEEsolusyon natin na ityempo na medyo lumuluwag-luwag na ang sitwasyon ng pamumuhay ng ating mga kababayan.


Agree?!


0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page