ni Lolet Abania | January 13, 2021
Tumanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine si Indonesian President Joko Widodo, kauna-unahang nagpabakuna sa kanilang bansa, ngayong Miyerkules, Enero 13.
Isinagawa ang pagbabakuna kay Jokowi (kilalang tawag sa nasabing pangulo) sa Presidential Palace sa Jakarta, Indonesia, kung saan ang event ay naka-broadcast live sa national television. Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech ng China ang tinanggap na vaccine ni Widodo. Bukod kay Widodo, tatanggap din ng unang shot ng bakuna ang kanyang mga gabinete ngayong araw.
“This COVID-19 vaccination is important for us to break the chain of this coronavirus transmission and provide health, safety, and protection for all Indonesians," sabi ni Widodo.
Pinaalalahanan naman ni Widodo ang kanyang mga kababayan, kung saan target ng Indonesian government na mabakunahan ang 181.5 milyong populasyon, na patuloy na sumunod sa mga health protocols, kahit mayroon nang isinasagawang vaccination.
Comments