top of page
Search

Indie actor noon, sikat na sikat na ngayon… COCO, KA-LEVEL NA NI PIOLO

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 15, 2025



Photo: Coco Martin at Piolo Pascual - Instagram


Minsan na palang sinabihan si Coco Martin na “Magiging Piolo Pascual ka.” 


Sa Toni Talks (TT) ni Toni Gonzaga, nainterbyu ang aktor ng Ultimate Multimedia Star. Ibinahagi ni Coco ang kanyang experience dati bilang baguhan sa industriya. 


Ang first acting project niya ay sa indie film na Masahista noong 2004, na na-include sa Locarno International Film Festival (LIFG) at nanalo ng The Golden Leopard (Best Picture, video category) award.  


Very friendly si Coco sa mga Pinoy na nandu’n sa awards night. Habang nagse-celebrate sila ng kanilang panalo, may plano na si Direk Brillante Mendoza sa kanya. Kaya lang, dinala siya sa immigration office.  


Ipinaliwanag ng aktor sa kanila na pangarap talaga niyang magtrabaho abroad para sa kanyang pamilya. Pero, sa huli, na-convince siya ni Direk Brillante na bumalik sa Pilipinas.  


Pagbalik nila, sinabi ng producer niya, “Nanalo tayo. Malay mo, pagbalik natin doon, magiging Piolo Pascual ka na.”  


Sa pagtatapos ng kanilang conversation ni Toni, ayon sa TV host, “That is happening now. Magkaka-level na kayo ni Papa P.”


Naging in demand actor si Coco mula nang pumasok siya sa Kapamilya Network. Ilang taon ding namayagpag ang kanyang mga TV series sa primetime slot. 


Pinasok na rin niya ang pagdidirek at pagpo-produce ng serye at pelikula, kung saan naging successful naman siya.  


 

Pinasalamatan ni Rufa Mae Quinto si Willie Revillame dahil pinasaya siya nito sa kabila ng kanyang pinagdaraanan.  


Post ng komedyanang aktres sa kanyang Instagram (IG), “Thanks for making me happy, Willie. And for the Help Help Hooray. Thanks to myself for visiting Wil to Win. Watch me today for the Hi! Hello. 5 PM, now na!”  


Isa sa mga nagkomento si Carmi Martin, “Love you, bes. I went to SEC nga, nagpa-check din ako ng contract at alamin ang puwede at hindi gagawin ng endorser. They helped me a lot. Sinabi ko rin na kakilala kita at ikaw ay nag-endorse lang at ‘di kukuha ng pera sa tao. I hope, makatulong ‘yan.” 


Sagot ni Peachy, “Salamat, love you. And I’m glad to see you sa restaurant when I got back with Tita Tessie. Love you, Sis sexy.”


Reply uli ni Carmi, “Love you too, at prayers ko, malampasan mo lahat ng pagsubok na ito.”

Reaksiyon ng mga netizens… 


“Bakit kahit binabasa ko ‘yung caption n’ya, parang boses n’ya ‘yung pagkakabasa ko.” 

“Keep your happy vibes, Miss Rufa Mae. Matatapos din ang mga pagsubok sa life-life-life mo.” 


“I love it! Have fun, ate!” 


“Nag-iisa, BOOBA! Napakasayang panoorin.”


“Close friends sila, kasi si Peachy, Gemini, si Willie, Aquarius. Kaya go, go, go lang! Help Help Hooray!” 

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page