top of page
Search
BULGAR

Indian mango, epektib na panunaw at panlaban sa stress

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 25, 2020




Ang Indian mango.


Walang pagtatalo, lahat ay nagkakaisa kapag sinabing ang pinakasikat na mangga sa Pilipinas ay Indian mango. Maraming mangga rito sa ‘tin, may manggang pico, manggang carabao, apple mango at iba pa, pero ang pinagkakaguluhan ay ang Indian mango.


Ito ay sa dahilang eksakto ang lasa ng Indian mango sa panlasa ng mga Pinoy. Kumbaga, hindi sobrang asim at hindi rin sobrang tamis, at ito ang pinakagusto ng kababaihan kaysa sa iba pang uri ng mangga.


Iba na ngayon ang naging tradisyon, as in, modern tradition na kung saan hindi sitsirya ang binabanatan ng mga Pinoy habang nanood ng TV shows kundi Indian mango na. Maraming nagbago sa buhay ng mga Pinoy nang dumating ang Indian mango. Ang katagang “selling like a hot cake” ay napalitan na ng “selling like Indian mango” para sa mga prroduktong mabili sa merkado.


Kapag hilaw pa, ito ay medyo maasim, kaya ito ay kinagigiliwang kainin o papakin. Kapag naman malapit nang mahinog, ang kombinsyon ng asim at tamis ay nagbibigay ng kakaibang sarap, kaya ito ang hinahanap-hanap. Kapag hinog na, parang ayaw na ng mga tao dahil mamasa-masa at hindi na masarap papakin.


Ito rin ang kaibahan ng Indian mango sa iba pang uri ng mangga dahil ‘yung iba ay pinahihinog muna para sumarap, samantalang ito ay hindi na kailangang pahinugin.

Pero sa totoo lang, hindi lang sarap ang makukuha sa Indian mango dahil ito rin ay maraming medicinal benefits tulad ng mga sumusunod:


● Hindi kayang mapigilan ang pagtanda ng tao, pero mapababagal ng Indian mango ang aging o mabilis na pagtanda.

● Sa pagkain nito, mas tumitibay ang mga buto, kaya ang Indian mango ay maganda para sa mga taong madaling mabalian ng buto.

● Napakahusay ng Indian mango bilang panlaban sa diabetes dahil sa dami ng fiber na taglay nito. May fiber din ang iba pang mangga, pero higit na marami ang nasa Indian mango. Ang fiber ay nagpababa ng glucose o sugar level.

● Napakaganda rin ng Indian mango para sa mga taong nahihirapang tunawin ang kanilang mga kinain dahil sa fiber na taglay nito.

● Anti-stress din ang Indian mango. Ang totoo nga, mararamdaman mong tinalo mo ang stress ‘pag nakakain ka ng ilang piraso nito.

Narito naman ang mga nutrients na taglay ng Indian mango:


● Vitamins A, C at E

● Folate

● Potassium

● Calcium

● Iron

● Magnesium

● Phosphorus

● Copper

● Selenium

● Manganese

● Zinc

DAGDAG-KAALAMAN: Kapag pinakuluan sa asukal ang mga hinog na indian mango, ito ay sobrang masarap. Ito na ngayon ang makabagong paraan ng pagkonsumo ng prutas na ito dahil ang minatamis na Indian mango ay maihahambing sa mamahaling imported na prutas na ginawang matamis.

Good luck!

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page