ni Lolet Abania | April 28, 2021
Niyanig ng 6.0-magnitude na lindol ang Assam sa hilagang-silangang bahagi ng India ngayong Miyerkules nang umaga.
Naitala ang malakas na lindol bilang isang relatively shallow depth o may katamtaman ang lalim na 29 kilometers (18 miles) ng 0221 GMT, ayon sa US Geological Survey.
Nasa hilaga ng Dhekiajuli, bayan ng isang tea-growing district sa hilagang bahagi ng Assam ang sentro ng pagyanig. Ilang mga gusali ang napinsala subalit wala pang naitalang nasawi o nasaktan matapos ang lindol.
Ayon sa mga residente ng state capital na Guwahati, tinatayang 150 kilometers (95 miles) sa bahaging timog, matinding niyanig ang mga gusali na nag-iwan ng mga cracks sa mga pader nito, habang marami pang aftershocks ang kanilang naramdaman.
Comments