ni Angela Fernando - Trainee @News | November 5, 2023
Nag-alok ang pamahalaan ng India ng pitong helikopter upang makatulong sa pagpapalakas ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon sa Malacañang nitong Linggo, Nobyembre 5.
Ginawa ang mga helikopter para sa mga hukbong pandagat ng India at sinasabing para 'to sa mas aktibong operasyon at seguridad ng mga tao at kargamento.
Batay sa mga ulat, hindi man tinukoy kung ano ang model ng sasakyang panghimpapawid, isang representante naman mula sa PCG ang nagtungo sa India upang suriin ang uri ng naturang helikopter.
Sinabi ng Indian Ambassador na si Shambhu Kumaran sa Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na isang mahalagang solusyon ang kanilang alok para mas magampanan nang maayos at epektibo ng PCG ang kanilang mga tungkulin.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang presidente ukol sa alok ng India sa mga ahensyang kasali sa usapin.
Comments